Ang Malalang gayuma sa Dayo
Ito ang unang araw ko ng pagsulat ng talaarawan. WASSUP sa inyo mga katasyo, walang bago sa araw at buwan na ito. Unang -una na sa lahat bago ko pumasok napakasakit ng ulo ko tila mabibiak na e. Inom ng advil tas sterpsils para sa makating lalamunan, olgoods in the hood na. Pumasok ng may nagyeyelong tubig tas kakain sa siomai-an sabay gagawa ng napahirap na activity sa ethics. Hirap maging plastic kapag masama ka. HAHAHAHAHA. Tas report-questioning sa S.T.S sabay uwi agad. Habang masaya kaming nakasabit ng tropa may napagkwentuhan kami, malapit na kasi mahal na araw (AYIEE KUPAL). Malapit na din daw piyestang bayan sa kanila, ang lupet lang naman ng panglason nila sa mga kupal na tao. Ilalagay lang daw yun sa kuko tas ihahalo sa kahit anong makakain. Alam mo epekto? Pucha magiging isip bata ka daw tas ang pinaka malala ikamamatay mo. Kupal diba? May nabiktima nga daw siyang tropa e, naawa ako kasi pati bata bata daw sinasaktan tas naglalaro ng tila isang bata. Ang iniisip ko lang, ba't kaya ganon yung mga pilipino no? kapwa pilipino mo papatayin mo kasi nayabangan ka, nalamangan ka o kaya nagalingan ka. Panget ng ugali, AHAHAHAAHAHAHA. Isipin mo yun nakasabit kami pero makakapagkwentuhan. (MALULUPET) Bilang panapos nagmukha pa kong tanga kakatanong kung pano aayusin tong una kong blog. maayos naman ang lahat, masaya ang araw ko. Saka nga pala suportahan niyo yung Ronda Pilipinas pinakamalaking cycling race yun sa bansa. Pati na din yung Facebook Page ko na Mga tula, Salamat ako pala ulit si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. thing!
Talaarawan 2: Martes March 3, 2020
Ugaling Noypi
WASSUP sa inyo mga ka-tasyo. Kumusta araw nyo? Ngayong araw tamang download lang ako ng Application sa cellphone ko kasi nga magbabike ako ngayon kaya palagay ko e kailangan ko nang meter reader para malaman ko maximum speed ko. Tas syempre napakaaga ko pumasok sabay wala naman pala yung prof nagpunta sa main. Oks lang naman kasi nakalahati na namin yung gagawin sa subject niya. Sabay lunch na namin, napagtripan kong tanungin yung tindera sa canteen na kinakainan namin, napakadami kasi nilang ulam lagi tas parang di nauubos. Ganto nanyare, inalok kami ni ate ng dinakdakan sabay nung pipili na ko ng ulam. Tinanong ko si ate, Te pano pagtinanong kung ano best-seller nyo kahit di kayo restaurant? Sagot ni ate "Dinakdakan saka Kaldereta". Ako na nagaalangan kasi yung kaldereta paubos na tas nakuha na nung kaklase ko. Sa huli Dinakdakan pa rin yung binili ko. HAHAHAHAHA. Sabay BAGO KAMI BUMALIK SA CAMPUS MAY NAKITA AKONG MAGANDA DILAG SA DEPARTMENT NG arts and science kaso panget daw ugali sabi nung mga aports ko kaya sayang. HAHAHAHAHA Tapos sandamakmak andami ng pagagawang mga proyekto ang nagbagsakan na ipapasa sa pagtatapos ng semestre, pagtapos nung tanghalian. Sana matapos namin kasi by section yung gawa, inaasahan ko na maganda kalalabasan ng output namin. (SANA :( ) Pauwi na ko at hindi lang naman ako sumabit ngayong araw, pero napagod naman ako kakapedal. 19 kph yung pinakamabilis kong takbo, nalulungkot nako sa sarili ko dati kaya pa hanggang 30 kph e. Kulang na talaga sa ahon, paguwi ko gawa ng powerpoint asikaso ng sarili tas kain pizza na naligaw pa yung rider sa sobrang trapik. Bali, ngayong araw isa lang napagtanto ko. MALUPET talaga ang mga Pilipino yung pagkakaroon ng malakas na pandinig biruin mo pati yung ate na tindera narinig lang sa may-ari na dinakdakan yung best-seller e nasabi agad. Tapos yung mga kaklase kong malakas pandinig nagkwentuhan nanaman kasama ko syempre. HAHAHAHA. Sumagap lang saglit sa mahinang kwentuhan pero naibahagi agad. TUNAY NGA NAMANG PINOY. Sige hanggang dito na lang mula palagay ko may nakatinggin na sakin sa labas kasi dyis-oras na e. HAHAHAHA. Suportahan nyo pa din yung Ronda Pilipinas saka yung Page ko na Mga Tula. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong taong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman! thing!
Talaarawan 3: Miyerkules March 4, 2020
Ang Maling Bayani
WASSUPPP sa inyo mga katasyo. Muling nagbabalik sa inyong babasahin ang Ginoong Tasyo ng bagong henerasyon. Bali sa talaarawan ko na 'to wala akong masyadong masabi e. Wala kasi kaming pasok tapos di natuloy yung bowling naming mga magbabarkada. Nahiga lang ako buong maghapon tas nagplantsa ng uniporme. Masama din kasi pakiramdam ko dahil sa ubo' t sipon pero hindi dahil sa NCOV/COVID 19 HAHAHAHAHA. Bali ang maibabahagi ko lang ngayon ay ang kabayanihang ginawa ng isang sekyu ng sikat na shopping mall sa san juan. Kung tutuusin hindi ito kabayanihan e. Kasi kailangan niya munang maghostage para lang mailabas ang hinain nya tungkol sa bulok na sistema sa bansa natin. Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa yung mga mababait sila pa yung pinagmumukhang masama sa harap ng marami tao. Tulad na lang nung narinig ko kanina sa radyo. Tinawanan nila yung hostage taker dahil nga nagpresscon muna ito bago sumuko. Nakakadismaya lang yung naging reaksyon nung mga broadcaster kasi dapat nga e hinangaan pa nila yun kasi nakapagbukas siya ng isipan ng maraming manggagawang Pilipino. Sarap sampalin sa mukha e kahit na matagal na sila sa walang kwenta nilang industriya. Yun lang naman ngayon araw saludo pa din ako sa mga Labourer ng Pilipinas kasi nagagawa nilang magtiis para lang may pangkain sa pamilya nila. Mabuhay kayo mga Ma'am at Sir. Kahit na magiging guro ako mas pipiliin ko pa ring irespeto sila at hanggaan kesa sa mga matataas na taon sa lipunan. Yun lang mga katasyo gagawa pa kasi ako ng aktivity ko sa isang subject ko. Di pala ko nanuod ngayon ng Ronda Pilipinas huling araw na ngayon at tiyak na panalo na ang Navy Standard Insurance. Pero patulot nyo pa ding suportahan ha. Pati yung page ko sa Facebook like nyo na din. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong taong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman! Thing!
Talaarawan 4: Huwebes March 5, 2020
Isang Maling Akala?
YOW WASSUP sa inyo mga katasyo. Banibagong araw, panibagong karanasan na naman ang ibabahagi ko sa inyo. Ngayong araw bilang panimula gumising ako ng kulang ang tulog dahil sa lintek na Mathilda Krogg na napakagandang dilag at isang siklistang atleta. Kaakit e. Hahahahaha. Bali, tamang palate lang ako kanina dahil nakutuban kong wala kaming prof sa unang subject. (at tama ito), ngayon may ibabahagi ako tungkol sa karanasan ko kanina. Ganito yan, bago ko pumasok ng school nag abang ako sa babaan ng jeep sa may lugar namin nang biglang may tumawid na babaeng nag-aaral din sa aming eskwelahan. Isa siyang engineering student at sakto namang may kasunod tong tumawid na istudyante din sa paaralan namin isa namang business student. Akma akong sasakay na ng jeep ng unahan ako ng ateng engineering sa pagsakay nahuli naman ang business student. Bali pagdating namin sa lugar kung saan marami ang bumaba nagbayad na si ateng business student nang biglang sinabi ng driver na iba ang ruta nito at di na dadaanan ang papunta ng school. Bumaba na si ateng business student at ng marinig ko ito maya-maya pa'y bumaba na din ako ngunit si ateng engineering hindi pa. Sabi ko sa sarili ko ay "hindi siguro narinig nung ate kasi nakaearphones" at habang naglalakad ako napagisip isip ko na pwede naman palang sa isang lugar ako bumaba yun nga lang mahal na pamasahe. Napakainit ng araw at tirik na matingkad ito ng mga panahong yun. Mahabang lakaran din ang ginugol ko. Pipila na ko sa tricycle papunta ng school ng bigla akong nagulat dahil yung ate na engineering ay nauna pa sakin makasakay samantalang ang layo na ng dinating ng jeep namin kanina. Pati si ate business student nakasabay ko pa. Pinagtataka ko san kaya dumaan yung ate na yun? Dali-dali akong sumakay ng tricycle at umamdar naman ito agad makaraan ang limang minuto. Sa pagtataka ko bakit ata di ko makita yung tricycle na sinakyan nung ateng engineering. Masid ako ng masid sa paligid ko habang tinatanaw ang tricycle na hinahanap ko. Babaan na at nagmadali akong bumaba sa sinasakyan ko at hinahanap ko si ateng engineering ngunit wala parin ito hanggang sa makarating na ko sa school. Nais ko lang sana tanungin kung san siya bumaba. Nakapagtataka kasi e. Napakalayo ng iikutin ng jeep kung yun ang tatahaking ruta. Dahil di ko masagot ang katanungan ko naikwento ko ito sa mga kaklase at sa pagpapalitan namin ng kuro-kuro napagtanto ko na baka nga sumakay lang ulit si ate ng jeep papunta sa sakayan ng tricycle pero ang isa pang pinagtataka ko nasan yung tricycle na sinakyan niya? HAHAHAHAHA Ewan ko ba dala lang siguro ng puyat ko itong ganito. Bali wala namang bago ngayong araw nagkaroon lang ng kaunting discussion sa major subject at nagpaactivity lang ang ibang minor. Umuwi ako ng maayos at kumain ng inihaw na napakasarap. Ngayon gagawa na lang ako ng mga script sa dulaan namin at matutulog na. Yun lamang ngayong araw mga katasyo, patuloy parin ninyong suportahan ang Ronda Pilipinas at iba pang cycling race dito sa Pilipinas nais ko kasing mapaunlad at bigyang pansin ulit natin ito. Saka kay Mathilda Krogg sana mapansin nya ko. Syempre ang Page ko sa Facebook na Mga Tula na maari ninyong puntahan. Salamat sa inyong pagbabasa. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. Thing!
Talaarawan 5: Biyernes March 6, 2020
Mahiwagang Dilag
WASSUP sa inyo mga katasyo, panibagong araw panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan sa aking buhay. Ngayon ay araw ng Biyernes at may pasok sa eskwelahan, pagkagising ko ay inihanda ko kaagad ang akin mga gamit sa pag-aaral at pumasok ng matiwasay. Bilang highlight lang naman nitong blog ko ay dadako na tayo sa lunch time namin, kumain sa paboritong karinderya na may specialty na dinakdakan at nagpaprint kami sa isang sikat na paprint-an sa iskwelahan. Habang nagiintay lang naman kami matapos sa di sinasadyang pagkakataon ay may nakita akong isang dilag na nasa Arts and Science department. Napakaganda niya lang naman sa paningin ko ng dumaan ito di ko napigilang sabihin ang mahiwagang salita na "Damn! ANG GANDA". Nang matapos na kami sa amin pagpapaprint naisipan kong tanungin kung kilala ba ng mga kaklase ko ang Dilag na iyon, at di ako nagkamali kilala nga nila. Ang kaso nga lang naikwento nila sa akin na mayroon na itong naging kasintahan na mas matanda at ang iba naman ay propesor pa sa paaralan. Naalala ko nga ang mahiwagang pag-alok ng mansanas ng isang propesor na hindi ko alam kung para saan. HAHAHAHAHAHA. Bali nagkaroon lang ng mga pagsusulit tapos uwian na at syempre dala-dala ang naparakaming gawain na hindi naman ipinasa dahil wala kaming guro sa last subject. Yun lamang sa ngayon maaga akong matutulog at paghahanda na rin sa darating na ride namin. So, papano ba yan hanggang dito na lang ulit. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 6: Sabado March 7, 2020
Pataas Ranggo
WASSUP sa inyo mga katasyo, panibagong araw panibagong karanasan na naman ang maibabahagi ko sa inyo. Nagyong araw ay nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi sapagkat nalalapit na ang aming pagpunta at ride out sa mga bundok ng Antipolo. Bali naglinis lang ako ng bisikleta at saglit na humawak ng aking Selpon, ang ulam ay lutong karinderya na binili ko sa palengke na malapit sa amin. Kinahapunan ay kinunpirma na namin kung sino ang sasama sa aming ride out bali pito kami at hahatakin namin ang isa't-isa sa aming pag ahon. Kinagabihan naman ay tumambay ako sa bahay ng tropa namin upang magpataas ng rank sa larong M.L o MOBILE LEGENDS. Maaga din kaming natapos dahil sa sobrang daming lamok na kumakain sa dugo namin at syempre excited ako sa amin ride-out bukas. Yun lamang ngayong araw mga katasyo pagpasensyahan na ninyo dahil wala namang bago ngayong araw. Patuloy niyo pa rin akong suportahan sa pamamagitan ng pag-Like sa aking page na "Mga Tula" sa Facebook at syempre ang ating mga siklista sa bansa pati na rin si Binibining Mathilda Krogg. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 7: Linggo March 8, 2020
Ronda Maynila
WASSUP SA INYO MGA KATASYO. Panibagong araw, panibagong kaalaman na naman ang inyong matutunghayan. Ngayon ay araw ng linggo, may ride lang naman kami ngayon papuntang antipolo. Pito kaming magkakasama sakay ng aming bisikleta. Iniiwasan kasi namin ang COVID-19 ngayon na patok na patok. Pagkadating namin sa Antipolo, kumain muna kami sabay habang nagpapahinga sa lugawan ay nagkaayaan magpunta ng Maynila. Grabe lang naman ang inabot namin sa ride at nakakangalay sa buong katawan. Bali nagpunta lang kami sa Luneta Park, Sa manila Bay kung saan may baliw na babaeng pakalat-kalat tapos sa Quiapo kasi nga bumili ng piyesa. Grabeng init at laspag na laspag ang katawan namin, wala akong tanghali nun kundi cloud 9 at energy drink. Solid naman ang naging lakad namin, pinapalamig muna namin ang issue sa COVID-19 bago magride ulit. Syempre dahil lang naman yung sa idolo ko na si Mathilda Krogg. Hehe. Yun lang ngayong linggo, salamat sa inyo. Patuloy nyong suportahan ang mga karera sa ating bansa at syempre ang Ronda Pilipinas, pati na rin ang aking Page sa Facebook na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman! THING!
Talaarawan 8: Lunes March 9, 2020
Kutob
WASSUP SA INYO MGA KATASYO. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Araw ng Lunes at nakakutob na ko na walang pasok kaya naman ako ay nagbagal kumilos dahil dito sa kutob ko. Tama naman ito dahil wala nga kaming pasok sa kadahilanang lilinisin daw ang eskwelahan namin dahil sa nakakaalrmang pagdami ng mga positibo sa COVID-19. Ngunit may kaganapan kasi sa biyernes ng linggo ito at magtatanghal kami ng interpretasyon ng pag-ibig sa tinubuang lupa ni Gat. Andres Bonifacio. Nagpunta ako ng sa aming tagpuang magkaklase kahit na delekado na ang paglabas ng bahay, nadatnan ko pang hirap na hirap ang aking kaklase sa pagiging direktor at pagiisip ng konsepto ng aming gagawin dahil daw sa ingay ng aming kaklase. Kaya't pinatahimik ko na laamang sila at tinulungan kong bumuo ng konsepto ang kaklase namin. Sa huli nagsi uwi na kami at nalamang hindi matutuloy ang presentasyon sa biyernes ngunit delikado naman ang kalagayan ng ating bansa. Nag-aya pa nga kaming magbowling at natuloy naman ito ngunit sa mas malayo at mas mahal na lugar. Naging masaya naman ito ngunit nakutuban ko na talo ako kaya di na ko sumali sa ikalawang laro. Yun lamang masaya naman ang araw kong ito. Patuloy ninyong suportahan ang aking page sa Facebook na "Mga Tula" pati narin ang mga siklista sa Pilipinas. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 9: Martes March 10, 2020
Normalan
WASSUP SA INYO MGA KATASYO. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang aking maibabahagi sa inyo. OOPPPSSS. Joke lang. HAHAHAHAHAHA. Walang pasok ngayong araw at wala akong ginawa ngayong araw. HEHEHE. Pasensya na mga katasyo, Nakinig lang ako ng music tas natulog buong araw, ano pa ibabahagi ko? HAHAHA. Patuloy ninyong suportahan ang aking page sa Facebook na "Mga Tula" at ang mga siklista sa ating bansa. Yun lamang, muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 10: Miyerkules March 11, 2020
THE BLIND SIDE
WASSUP SA INYO MGA KATASYO. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang maibabahagi ko sa inyo ngayong araw. Sa paggising ko wala namang bago, mainit na naman ang ulo ng nanay ko sakin. Kumain ng tanghalian at inayos ko ang damitan ko kasi wala nga namang pasok. Habang nagbabrows ako ng facebook may nakita kong magandang movie at pinanuod ko ito. Nakakatuwa lang manuod ng mga palabas na ganun, kasi sino nga namang anghel ang magaampon ng isang bata na hirap sa pag-aaral ngunit mayroong potensyal sa paglalaro ng football. Natutunan ko lang don sa movie ay dapat wag kang susuko sa bawat pangarap mo kasi may darating na blessing sayo kapag pinagpatuloy mo. Hindi lang pagaaral ang magiging tulay mo sa pagabot ng pangarap pati na din ang mga tunay na suporta na nanggagaling sa ibang tao at sa magulang mo. Subukan ninyong panuorin to mga katasyo, at sa mga magulang din pala hayaan natin sanang makapili ng iskwelahan at pangarap ang ating mga anak, mapatunay mang-anak o gaya ng napanuod ko na ampon man siya ngunit pinapili pa din siya sa huli. Patuloy ninyong suportahan ang aking page sa Facebook na " Mga Tula" at ang mga siklista sa ating bansa. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 11: Biyernes March 13, 2020
ONLINE CLASS
WAASSUP SA INYO MGA KATASYO. Panibagong araw panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan. Ngayon araw ng ng Biyernes at 13 ang date sa kalendaryo buong bansa ang mamalasin dahil sa COVID-19 na kumakalat, napakarami lang naman ng aming ipapasa dahil nga sa nagbaba ng impormasyon ang aming pamunuan na magkakaroon ng online class dahil nga isang buwan kaming walang pasok. Ito na siguro ang pinakamatagal na suspensyon ng klase sa buong talambuhay ko, bali inuna ko munang gawin ang gawain sa google classroom sa major namin pagkatapos nagkaroon naman kami ng klase sa minor namin ng alas quatro ng hapon hanggang ala sais ng gabi at grabe lang naman ang mga pinasagutan samin pero ayos naman kasi nagkapuntos naman ako. Kahit na sabihin mong may teknolohiya kang hawak ay mahirap pa din talaga lalo na pag ang tanong ay sariling gawa ng propesor mo, sa ngayon nanunuod ako ng palabas ulit sa Netflix at naghahapunan na din. Balak ko ding tumambay mamaya at magpahangin sa labas para man lang marewind yung utak ko sa pagkakadrain. Yun lang ngayong araw mga katasyo, patuloy ninyo paring suportahan ang aking page sa Facebook na "Mga Tula" at syempre ang mga magigiting nating siklista sa bansa. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 12: Sabado March 14, 2020
HULING LARGA
WASSUP SA INYO MGA KATASYO, Panibagong araw panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Pahina na ako sa mga gawain sa iskwelahan at halos lahat ng mga komunidad samin ay nagpapahayag na huwag ng pumunta sa mga matataong lugar. Wala na halos mga tao at ang tanging mayroon na lang ay ang maiingay na jeep pano ko nalaman? Nagbisikleta ako bilang pampawala sa pagod at pangehersisyo na din, kung akala ng iba ay nakakapagod ito para sa akin dito ko nakakapagpahinga at nailalabas lahat ng masamang galit sa katawan ko. Bonus na lang yung mga magagandang tanawin na mayroon ang isang lugar, nagpunta ako sa isang parke kung saan ang lugar na ito ay maagang nagcommunity quarantine. Wala halos tao pero maraming nabibisikleta dahil tabi ito ng ilog at mabango ang mga punong nakapaligid, napakasarap sa pakiramdam na makapunta ulit dito. Ininsayo ko muna ang sarili ko at tumakbo ng halos nasa 30 Kph, gusto ko kasing ibalik ang dati kong lakas sa pagbibisikleta at sa pagpapatuloy ko ay may mga nakasabay akong kapwa ko siklista. Nakalimang ikot ako bago magpunta sa bahay ng tiyahin ko upang makisalo sa handaan ng aking pinsan, inuman at kwentuhan lang ang naganap dahil na rin sa Community Quarantine na pinatupad ng pangulo ay hindi na kami gaanong nagcelebrate. Masaya naman at nagka-alak ulit ang aking atay. Yun lamang sa ngayon araw mga katasyo, patuloy ninyo kong suportahan sa Facebook sa pamamagitan ng paglike sa aking page na "Mga Tula" at syempre ang mga siklista sa ating bansa. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 13 Linggo March 15, 2020
Ang Tao at Ang Gobyerno
Unang araw ng Community Quarantine, hindi siguro ito ang oras para maglibang dahil nakakatakot na. Lumalaki na ang populasyon ng taong may COVID-19, hindi na biro ang ganitong sitwasyon pero sa ngayon ang mga nakikita ko sa internet ay tila nakakagimbal na kamangmanggan ng mga tao sa lipunan. Mga katasyo nakikita ko silang panay ang puna at ang iba naman ay panay ang pagtatanggol sa administrasyon nating maayos naman ang pamamalakad. Malaki na talaga ang problema ng bansa kasi pati ang mga tao ay kailangan naring gamutin ang utak, mga kabataang nagbubuwis ng buhay para lang sa wala? mga mamayang nagdadamot ng makakain kase may pera sila. Maling mali wala ng naitama. Noong mga nakaraang araw ay hindi ako nakapaglimbag ng talaarawan dahil na din sa mga gawain kong kinailangang tapusin. Marahil ay dapat ko na nga sigurong paghandaan ang huling pitong minuto ko dito sa mundo. Mga katasyo kung mababasa niyo man ito sa kasalukuyang panahon. Naghihirap ang bansa ngayon dahil sa sakit na ginawa mismo ng tao, sakit na ayaw lunasan dahil kailangan nating mabawasan. Napakarami ng tao sa mundo, hindi na tayo kaya pang kontrolin ng ating gobyerno kaya sayo na nasa kasalukuyang panahon magiingat ka maghugas ka lagi ng kamay at paa. Huwag mong kalimutang magdasal at magehersisyo para makalaban ka sa ganitong sitwasyon sa susunod na isang daang taon pa. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaaalaman. Mag-ingat po tayo at magdasal. Salamat.
Talaarawan 14 Lunes March 16, 2020
Ang HAMON at Pagpupugay sa Iba
Nakakakilabot na tila hindi pa rin alam ng mga kapwa nating Pilipino ang pangganib na dulot ng nakahahawang virus na COVID-19. Nakakakilabot na din ang panggamba ng mga estudyanteng walang internet sa bahay nila, nakakatakot ang bumagsak kaya't isasakripisyo nila ang buhay nila at kalusugan para lang may maipasa na gawa. Ako aminado akong may magagamit akong mga bagay na kailangan para sa online classroom pero naawa ako sa mga estudyanteng nagrarant sa pahina ng aming kolehiyo, nagmamakaawa sila na sana ay marunong komunsidera ang mga propesor sa aming unibersidad. Sana nga ay masolusyunan ito agad, naniniwala naman ako na mas pipiliin sana nilang maging ligtas ang mga estudyante kesa sa makapasa ito ngunit magkakasakit. Patuloy ko pa ding binabasa ang mga hinain ng tao tungkol sa gobyerno natin ngunit ngayon ay kakaunti na dahil naglabas na ng pahayag ang ating pangulo na kailangan nating makipagtulungan para mas maging ligtas ang ating kalagayan kahit na tila babagsak na ito dahil sa lakas ng nakahahawang sakit. Sa lugar namin ay may positibo na at nakababahala ito dahil ilang kanto lang ang pagitan kanina ay kauuwi ko lang din galing sa tiyahin ko at naligo pa ulit ako para lang makasigurado. Gumawa lang naman ako ngayon ng ipapasa namin online na video exercise sa P.E at naipasa ko naman ito ng tama sa oras. Ngayon sa Talaarawan na ito ay nais kong bigyang pugay ang lahat ng ating mga DOKTOR, NURSE, MEDICAL PERSONNEL, MGA KAPULISAN, MGA SUNDALO AT SA ATING PANGULO sa kanilang walang sayang pagpapatuloy ng kanilang trabaho kahit na delikado at nakakabahala na ang kasong ito. Gusto ko kayong isama sa panalangin ko ngayong gabi at nawa'y bigyan sana kayo ng Panginoong Diyos ng lakas at katatagan ng loob sa inyong mga gawain. MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO! SANA'Y MAKAKITA ULIT AKO NG NGITI SA MGA MATA NINYO. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong NAGBIBIGAY PUGAY SA MGA TAONG MAY KAALAMAN. THING! RECOVERY PARA SA BANSANG PILIPINAS!!
Talaarawan 15 Martes March 17, 2020
Ang Suliranin ng mga Estudyante
Kumusta mga katasyo, panibagong araw panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghay dito sa aking talaarawan. Sinimulan ko ang araw ng martes sa pamamagitan ng pagtapos ng episode at season ng Narcos sa laptop. Anong oras na din ako nagising at wala akong ibang ginawa kundi ang humilata at humawak ng gadget dahil nasa bahay ang mga nakatatanda ay wala akong magawa dahil bawal makisalo sa internet connection nila dahil nga work from home. Sinubukan kong lumabas ng bahay at nagikot sa mga bahay ng tropa ko kaso maaga din kami umuwi dahil sa sama ng panahon sakto pang nawalan ng internet sa bahay dahil sa panahon. Habang nagbabasa ko sa facebook nakita ko lang naman ang lahat ng hinain ng aking mga kaklase at mga kamag-aral tungkol sa pagkakaroon ng online classes. Naiintindihan ko sila at naaawa ako sa kalagayan nila pero kasi yung iba mas pinili pang umuwi ng probinsya kesa magistay dito sa maynila na maayos naman ang koneksyon. Ewan ko ba sa kanila, basta ang mahalaga ay hindi na ipinilit ng aming adminostrasyon sa paaralan na gumawa at makilahok ang ibang mag-aaral na hindi kayang makaaccess ng internet connection kaso yung ibang propesor ay patuloy padin ang pagpapagawa dinaig pa ng mga minor subject namin ang mga pinapagawa ng major. Kaya ayun palagay ko ay magiging abala na naman ako sa paggawa at baka makalimutan ko na naman ang aking talaarawan. Sige na mga katasyo kasalukuyan akong nagbabasa ngayon ng mga balita sa diyaryo dahil pinapaggawa ito ng major namin, hanngang dito na lang muna siguro. Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking page sa Facebook na "Mga Tula" at patuloy po tayong magdasal sa mga pasyente, doktor, nurse, sundalo, kapulisan at mga health worker saka sa mga mahal natin sa buhay na nagtatrabaho pa din na sana ay gumaling at hindi sila mahawaan ng nakakatakot na epidemyang COVID-19. Mag-ingat po tayong lahat, muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 16 Miyerkules March 18, 2020
Panangga sa Mukha
WASSUP sa inyo mga Katasyo. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang ating matutunghay ngayon araw dahil sinubukan ko lang namang lumabas ng bahay para bumili ng ice cream at unang beses ko lang namang magsuot ng face mask para lang makabili sa loob ng convenient store malapit samin at para narin maka-iwas sa COVID-19 ay nagbisikleta na ko para malayo sa tao. Bali ang gising ko na ngayon ay halos hapon na at kumain lang ako ng natirang ulam kagabi na sinigang na bangus. Nag-ayos ng mga sapatos para linisin tapos naghanap ng makakain at humilata na sa maliit na sofa sa bahay para mapalipas ang oras ko. Ngayon araw ding ito ay binabalak kong tapusin na ang mga gawain na ipapasa sa susunod na linggo. Nakaka-1 linggo na agad ako na nakapagbakasyon ngunit puyat pa din dahil nga hindi ako makagamit ng laptop sa umaga. Hindi naman dismayado ayos lang naman yun kasi laging ako dapat ang mag-adjust e, bali ngayong gabi ay inaayos ko na ang aking mga gawain ng may naisipan akong gawin. Ito ay ang magchat ng mga taong may maraming shared post sa timeline ko, bali may isa akong nachat kaso ayaw sa kolehiyo hehe. Ayun lang bukas na ulit ang susunod na update ko sayo aking talaarawan. Huwag ninyong kalimutang i-like ang aking page sa Facebook na "Mga Tula" at patuloy pa din po tayong magdasal para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas at sa mga taong naririto. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan, ang normal na taong may kaalaman. PATULOY PO NATIN ANG PAGDARASAL AT PAGPUPUGAY SA MGA TAONG NAGPOPROTEKTA SA ATIN. THING!!
Talaarawan 17 Huwebes March 19, 2020
Finding MAYOR
WASSUP sa inyo mga katasyo, panibagong araw. Panibagong karanasan na naman at pag-asa ang ating natamo ngayon araw, alam naman natin na kumakalat na ang epidemyang COVID-19 ngayon dito sa ating bansa. Bali magsi ingat kayo at napakaraming ngayong hinahanap na mayor ng bawat lugar dito satin at meron pang iba na ginagawang katatawanan ang mga ito, tignan mo nga naman ang mga kabataan sa panahon na ito tila panay ang batikos at pangungutya nakakasawa. Ngayon araw ay gumising na naman ako dahil sa init ng panahon, maalinsangan mahirap matulog ng derecho at bilang panlibang sa sarili nadownload na ko ng offline application ko sa cellphone para na rin makalaro kung sakaling mawalan ng internet sa bahay. Ngayong araw din ay nagpasya akong tumambay at magbabad lang sa facebook dahil wala ngang magawa at bawal din talaga lumabas. Bali manood lang din ako ng movie ngayong gabi sa netflix at lilibangin ko muna ang sarili ko sa panunuod bago ko gawin ang mga gawain ko. Papanuorin ko yung mga nakikita kong cut scene sa facebook na walang title tas itatanong ko na lang sa comment section. Umaga na din siguro ako matutulog ngayon at aasikasuhin ko na ang iba kong gamit sa paaralan na nakatambak, mahirap din kasi minsan maghanap. Bali yun lang ngayon araw mga katasyo, basta lagi ninyong tatandaan na magingat at ugaliing maghugas ng kamay! Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng pag"like" sa aking page sa facebook na "Mga Tula. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan, ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 18 Biyernes March 20, 2020
JOWABLE
WASSUP sa inyo mga katasyo. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayon araw sa buhay ni Ginoong Tasyo. Tanghali na naman ako nagising at galit na galit na ang nanay ko dahil nakatapos na daw silang maglaba lahat lahat ay nakahilata pa din ako sa higaan. Sinimulan ko ang araw ko sa pagdarasal na sana ay gumaling na ang mga may sakit at mawala na ng tuluyan ang virus pati na rin ang kaligtasan ng ating mga frontliners. Nagkape pero hindi ako nakatulala at nagalmusal na pwede na ring tawaging tanghalian dahil sa napakasarap na pininyahang manok. Wala akong balak gawin ngayon ngunit dahil may ipapasa mamayang gabi ay naisipan ko nang humanap ng mga ilalagay ko sa aking ipapasang activity at lecture. Minor subject talaga lagi ang napakaraming pinapagawa, sa buong quaratine naming mga studyante e pinakamaraming pinagawa ang mga minor subject na hindi ganun kagandahan magturo. Biruin mong dalawa lang ang ginawa namin sa dalawang major subject namin samantalang sa minor e sandamukal nang gawain. Pero ayos lang naman kesa naman maburyo ka sa bahay ay mas pipiliin mo talagang gumawa na lang kahit nakakadrain ng utak. Hapon na ng maisipan kong pagkatapos magpasa ay manuod ng movie, nangyari nga ito dahil ng maipasa ko na sa kaklase ko ang activity namin bago mag alas-otso ay umidlip muna ako. Nagising ako ng alas-diyes at inayos ko na ang laptop, habang nagbabrowse ay nakita ko ang jowable na movie at hindi ko pa syempre na papanuod kaya sinubukan ko. Palagay ko kaya din siguro ko hindi nagkakajowa ay inom kasi ako ng inom, ah basta ewan. Ang importante sa kin ngayon ay ang makalabas na ng bahay para naman makapagbisikleta na, maganda ang tinakbo ng palabas at ang tumatak sa isipan ko na sinabi ng madre kay kim ay ang "Malay mo ayan na pala yung regalo, iba ng itsura, iba lang ng kulay pero parehas din ng laman ng hinihiling mo". Grabe nakatagos sa puso ko yung mga linyang yun dahil palagay ko ay hindi natutupad ni Lord ang mga kahilingan ko o baka ibinigay na niya ngunit sa ibang paraan lang. Kahit na medyo bulgar ang mga linya sa pelikula ay tiyak na matatawa ka dahil sa delivery at pagkakaroon ng sense of humor ni kim molina. Alas-singko lang naman na ko natulog neto dahil sa nanuod muna ko ng documentary ni Allen Iverson bago itong jowable. Yung lamang ngayong araw mga katasyo, kayo baka may mga hiling din kayo sa ating Panginoon. Subukan niyo munang suriing mabuti ang mga ibinibigay sa atin kase nga malay mo iyan nayon yun nga lang sa ibang anyo o itsura. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na " Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang nagpapaalala na laging mag-ingat at maghugas ng kamay, samahan ninyo na din ng dasal dahil tayo'y mga normal na taong laging may kaalaman. THING!
Talaarawan 19 Sabado March 21, 2020
Pandaigdigan Araw ng Tula
WASSUP sa inyo mga katasyo, kumusta? Buryong buryo kana ba? Ako oo kaya ngayon araw ay lumabas ako. HEPHEP, Para bumili syempre hindi para lang maglibang at tumambay. Bilang pagsisimula ala-una na ng hapon ng magising ako, grabe puyat na puyat lagi e saka naaliw kakapanuod. Bali kumain ng tanghalian tas nakbabad na naman sa facebook ng makita ko na #WorldPoetryDay pala ngayon at halos lahat kami sa major ay nagdidiwang. Bilang pakikibahagi ay nagsulat na din ako ng mga sariling gawang tula sa facebook ko napost at sa twitter para lamang ipagdiwang ang napamakasaysayang araw na ito. Nag ayos din ako nung mga lumang tula na ginawa ko para naman may pagbasihan ako, pinamagatan ko itong Binibini para lang naman kasi yun sa babaeng sinubukan kong ligawan kaso wala e talo sa itsura pati na din siguro sa hiya kaya ganun. Pero ayos lang natuto na ko sa mga ganun at mas pipilin ko na lang siguro ang mag-aral muna, pagabi na ng maisipan akong pabilihin ng yelo sa tindahan hindi ito malapit dahil wala ni isang bukas sa street namin sa kabilang ibayo pa. Dahil nga may bike naman at gusto ko na ding magamit ang bisikleta ko kasi sakay na sakay na ko pumayag na ko at may social distance naman. Pagdating na pagdating ko nga sa tindahan usapan agad ng tindero yung kasama niya kasi yung bumili ay kilala niyang nurse sa health center na malapit samin aniya inuubo daw tapos masama ang pakiramdam nung kasama niya kaya daw sinabihan nilang magkulong muna sa kwarto sabi naman nung nurse na bibigyan na lang daw muna sila ng papel para malista yung pangalan at makapagpatest na din. Alanganin pa naman ang tindero kasi nga madadamay sila pagnagkataon, ako inoserbahan ko naman ang social distancing mula sa mga bumibili pero malakas kasi talaga silang naguusap tungkol dito. Kaya pagkakuha ko ng yelo ay dali-dali na kong umalis pero syempre mabagal lang ang patakbo ng bisikleta para maenjoy ko ang pagakay, pauwi ay napawi ang uhaw ko sa pamamagitan ng coke at yelo sabay kain ng hapunan. Linggo na ng alas-tres ako natulog dahil sa pagbabrowse ko sa facebook at ipinahinga ko muna ang laptop bilang wala namang pasok bukas. Yung lamang ngayon araw mga katasyo, may mga nais ba kayong ibahaging mga tula ninyong gawa sa iba? Maaari ninyong imassage ang aking faceboook page na "Mga Tula" para mafeature ang mga ito sa facebook. Pano, muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. Patuloy lang sa pagsulat mga katasyo walang titigil, THING!
Talaarawan 20 Linggo March 22, 2020
Unang Linggo
Isang Linggo na ang nakalilipas simula noong mag Enhanced Community Quarantine ang ka-maynilaan, ngayo ay araw ng linggo kasalukuyan akong nakaharap sa laptop ng mga oras na ito para sa talaarawan namin. WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Nakakaburyo na at parang hindi linggo ngayon dahil sa napakatahimik ng kapaligiran, nakakapanibago parang holy week na dahil sa napakatahimik na lansangan. Gusto ko ding lumabas ngunit di ko magawa dahil nga sa bawal talaga ang nag-iingat lang, ngayong araw ay wala akong ganong pinagkaabalahan kundi ang maglaro ng badminton sa cellphone at maghanap pa ng apps na offline na pwede kong malaro habang nasa bahay. Nagising ako ng ala-una ng tanghali at nagtimpla ng kape sabay kain na din ng tanghali para ganado na ang araw, inubos ko lang ang oras ko sa pagbabasa ng mga kung ano-ano sa facebook at tumawa ng tumawa sa mga videos o memes. Nagkwentuhan lang kaming magkakapatid ng mga gawain dati ng mga studyante pagtapos ng klase at napunta sa mga dating laro hanggang sa humanap na ng makakain at iniluto na para malamnan ang sikmurang hindi ko alam kung gutom o sadyang buryo lang sa buhay dahil hindi nakakapagehersisyo. Ngayon ay gagawa din ako ng aking mga gawaing ipapasa sa martes sa isa na namang minor subject para lang magkagrade. Walang bago pero sana ay magdasal tayo na mawala na ang sakit at patuloy na gabayan ng ating Panginoon ang mga taong patuloy na nagliligtas at umaalalay sa atin. Pano mga katasyo sa lunes ulit? Patuloy ninyo pa rin akong suportahan sa pamamagitan ng pagbisita at paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli ako si ? Ginoong Tasyo syempre ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong nagpapaalala na palaging magdasal at maghugas ng kamay dahil lahat tayo ay may kaalaman! THING!
Talaarawan 21 Lunes March 23, 2020
Ahit at Lakad
WASSUP sa inyo mga katasyo. Kumusta kayo? Mabuti ba lagay nyo? Maayos pa ba ang bahay ninyo? Nakakain na ba kayo? Sa ngayon kagigising ko lang at kakain na agad ng tanghalian at almusal. All in one ika nga nila, napagdesisyunan ko ding magpakalbo ngayong araw dahil nga sa sobrang init na dala ng panahon. Sakto namang may ipabibili si ate sa labas at medyo malayo layo din, kaya sinabihan akong samahan ko ang ate ko sa pag-alis. Napakaraming tao sa botika na halos umabot kami ng isang oras sa pila at trenta minutos sa pagbili ng gamot sa allergy ng ate kong isa. Naggrocery na din ng mga kailangan sa bahay at disenfectant para iwas covid-19, napkahaba din ng pila pati sa grocery store na umabot ng halos 1 oras tapos isang oras mahigit din kami sa loob at fifteen minutes na pila sa counter. Pagtapos ay habang naglalakad kami pauwi nasabi ng ate ko na tila ang maynila daw ngayon ay mala japan dahil sa ang mga tao daw ay pinipili ang paglalakad kesa ang pagsakay sa pambulikong sasakyan. Kitang kita mo talaga na walang trapik at madalang ang mga sasakyan pati na din ang mga tao, may iba naman na hindi pa nakamask at hindi alintana ang kumakalat na virus sa bansa. Madami naman ang nakabisikleta na halos ata lahat ng nakita naming nagtatrabaho pa rin ay nakabisiketa, nakatutuwang isiping binibigyan lang ng kahalagahan ang bisikleta kapag sa mga ganitong pangyayari. Pero atleast nagagamit nila ng maayos at naililigtas ang kalikasan, mainam na din ito sa kanilang kalusugan para sa ikahahaba ng buhay nila basta wag lang silang dapuan ng COVID-19. Umuwi kami ng maayos kahit mabigat ang dala at nakapaghugas naman ng kamay pagtapos, kumain ng hapunan at maaga akong natulog para sa kasiglahan ko bukas kahit normal na araw lamang ito sa akin. Yun lamang mga katasyo sana ay gawin ninyong alternatibong paraan ng transportasyon ang pagbibisikleta sa kahit anong sitwasyon, iwas trapik, magandang ehersisyo, mura at higit sa lahat ay nakatutulong kang iligtas ang kalikasan. Mag iingat kayo palagi at manatili kayo saninyong tahanan kung wala namang bibilihing importante o pupuntahang importante. Patuloy ninyo akong suporatahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula" at syempre ang pagbibisikleta at ehersisyo. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman na nagpapaalalang mag ingat tayo lagi at magdasal para sa ikaliligtas ng bayan. THING!
Talaarawan 22 Martes March 24, 2020
PLANO
Kumusta mga katasyo. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman kaya ang maibabahagi ko. Araw ng Martes pinilit kong lumabas kahit na alam kong may curfew para lang magbike sandali. Di ko na matiis ang sarili ko, pero bago yun gumising muna ako ng may ngiti sa aking mga mukha at nagtimpla ng kape na makakapagpagganda ng araw ko. Walang magandang palabas sa telebisyon walang balita sa radyo kundi ang mga bobong mayor, dumadaming kaso ng covid at mga tiwaling mga tao sa gobyerno. Naisipan kong magfacebook na lang at ayusin ang gingawa kong kanta para sa sarili at bayan, bukod dun pagtapos kong gawin yon ay kmaaga ding naligo bilang maaga na naman akong matutulog dahil plano ko nga ang pagtapos sa activity sa PE. Nag-ulam ng adobong pusit na maanghang at nanuod ng kung ano-ano sa facebook. Pagtapos ay akma na sana akong gagawa sa PE ng may lumabas na bagong vlog ng mga sikat na vloger kong finafollow, oo may internet access kami ngunit mabagal ito at mahirap magantay. Oras ngayon ay 2:47 ng madaling araw matutulog na ko sa cellphone lang ako nagupdate ng blog na to. Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula" at ipagdasal din po natin ang pag igi ng lagay ng mga may COVID pati narin ang ating mga front liners. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. THING!
Talaarawan 23 Miyerkules March 25, 2020
Sariwang Hangin
WASSUP sa inyo mga katasyo, muli nagbabalik ang inyong ginoon para sa panibagong araw at panibagong karanasan na naman ang matutunghayan ninyo ngayon araw. Oo totoo na to, maranasan mo ba namang gumamit ng gamit nang face mask? E makapagbike sa isang malawak na kalsada. Ansarap sa pakiramdam na maamoy ang sariwang hapong hangin na galing sa hilagang parte ng kamaynilaan, huwag mo isiping lumayo ako nasa bahay lang ako pagkagising ko at kumain ng almusal ng matiwasay nagising ng bago mag alas dose tapos maya maya pa ay inutusan ako ng aking ate na bumili ng meryenda sa malapit na panaderya sa amin. Mga nasa pitong minuto lang naman na biyahe pagnakabisikleta, at syempre para hindi masayang ang aking paglabas ay sumabay na din magpabili ang kapatid ko ng kailangan niya sa pagsusulat ng calligraphy. Gumamit lang din naman ako ng gamit na mask dahil wala na nga kaming mask at yung mask namin na tela ay nasa labahan pa, para nadin sa kaligtasan sa paglabas ay minabuti ko ng gamitin ito ngunit nilgyan ko ng tissue paper ang loob. Pagkabalik na pagkabalik ay agad akong naghugas ng kamay at nag alcohol para sa kaliligtas ng aking mga mahal sa buhay, tapos kumain kami sabay ayos na balik ulit sa dating buhay na nasa cellphone at kanya kanya. Napakaganda ng kalsada ngayon tila ligtas daanan, napakasarap ng simoy ng hangin tila preso mula sa gubat. Sana ay hindi na mawala ang ganitong pakiramdam, napakagaan, napakatamis at muli akong pinagpawisan sa pamamagitan ng bisikleta. Yun lamang ngayon araw alas dos na ulit ng madaling araw at matutulog na ko. Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula", patuloy din po sana ang pagdarasal natin sa mga taong tinamaan ng COVID-19 sa mga frontliners pati narin sa ating pambansang kamao Mr. Manny Pacquaio para sa kanyang bukas na puso at isipan sa ganitong sitwasyon. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman na nagsasabi mag ingat tayong lahat at maghugas ng kamay. THING!
Talaarawan 24 Huwebes March 26, 2020
Ang Desisyon sa Online Class
Wassup sa inyo mga katasyo, ako na naman ang inyong ginoong para sa araw na ito. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw at syempre walang bago namalengke na naman ako gamit ang mahal kong bisikleta. Pero bago yan, gumising ako ng may masayang mukha dahil maayos pa naman ang lagay ko malapit ng magdalawang linggo itong Enhance Community Quarantine sa aming baranggay at halos ang mga tao ay parang normal ng namumuhay. Hindi na ata sila na babahala sa panganib na dala pa din ng COVID-19, hapon na ng ako ay magtungo sa palengke dahil wala na ngang ulam na makakapagpaganda ng aming katawan ay minabuti na lamang na bumili ng gulay sa palengke at ihalo sa sotanghon na may hipon. Hindi ba't napakasarap ng ulam namin? Hapunan na iyon dahil nga tanghali na ko nagising at sardinas na lang ang inulam ko noong tanghalian, at syempre nameryenda ng pancake mula sa istak ng grocery. Nang matungo ako sa palengke ay halatang hindi na pansin o alintana ng mga tao ang social distancing kahit na lahat naman ay nakamask ay hindi pa din dapat kalimutan ang social distancing. Napakaraming tao kaya't minabuti kong ipasok ang bisikleta para na rin magkaroon ng distansya sa mga mamimili, wala pa ring trapik at mabango pa rin ang simoy ng hangin. Pagkatapos kumain ay agad na kong naglatag at akmang matutulog na ngunit na pagpasyahan kong magfacebook muna, grabe ang mga nakikita kong mga haka-haka tungkol sa virus at pinagmulan nito bukod pa dun ay na laman kong sinuspinde na ng aming paaralan ang online classes para na din sa ikabubuti ng lahat ang kasl nga lang ay marami na ang nagreklamo at hindi sang-ayon ewan ko ba sa mga estudyanteng yun, pinatitigil ngunit ayaw na man na dahil daw ang haba ng ekstensyon ng klase. Bukod pa dun ay napakarami din mga batikos tungkol sa senador na si koko pimentel dahil sa kabobohang ginawa niya, nagkalat ng sakit e wala na ngang naitulong para mapagaan ang sitwasyon ng bansa. Napakarami nang nagiging problema ng bansa hindi na natin alam kung kelan matatapos ang krisi at epidemyang ito, marapat na ipagdasal na lang natin ang mga ganitong problema at ipagpasa Diyos na lamang natin lahat ng ating problema. Basta't laging mag-iingat mga katasyo para din naman ito sa ikabubuti ng lagay ninyo at ng inyong pamilya pag lalabas siguraduhing nakamask at kung malayo magdala ng alcohol. Yun lamang ngayong araw mga katasyo masyado ng gabi para makipagkwentuhan sa inyo, papano bukas ulit? Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. Panatilihing malinis ang katawan at maghugas lagi ng kamay mga tasyo. Hanggang sa muli! THING!
Talaarawan 25 Biyernes March 27, 2020
Ang Liham Pasasalamat sa Aking mga Bayani
Wassup sa inyo mga katasyo. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman nga ba ang inyong matutunghayan. Malalaman natin yan dahil simula pa lamang ng umaga ay hindi tanghali pala, (HAHAHAHA) ay bumungad na agad sakin ang napakainit na araw. Mga gantong panahon masarap magbike kapag umaga, bali syempre wala ng bago nagkape ako tapos may dalang julies monay ang nobyo ng ate. Napakagaleng diba? Quarantine pero aalis pa din para sa pagpapabili lang ng gamot ng ate ko, ah masugid. Bali ayon nagtanghalian tapos nagmuni-muni muna sabay nanuod ng anime na yomamushi pedal sa facebook dahil nga namimiss ko na ang cycling sa buhay ko, sabay nakahilata lang buong maghapon at walang ginawa kundi manuod lang ng palabas. Pagtapos ay napagdesisyunan kong ayusin ang gawain namin sa major, syempre mas uunahin ko yun kasi kailangan kong ipasa yun. Habang nagsusulat ako ng liham para sa mga frontliners ng sakuna natin ngayon ay naging emosyonal ako dahil sa pagiisip na paano na kaya ang pamilya nung mga taong yon, kasi kung ako talaga yun walang tigil akong magdadasal at magtatanong kung ayos lang ba ang lagay nila. Nakakaawa ngunit parte nga naman kasi iyon ng kanilang trabaho bilang mga taong nasa ilalim ng batas, hindi ko mapigilan ang pagluha kaya't minabuti ko na lamang ang pasalamatan sila ng lubos. Para mawla ang mga kalungkutan ko ay agad akong nagtunggo sa youtube at nanuod ng vlog ng team payaman at ng iba pang youtube influencer. Matutulog na sin ako ngayon dahil may panunuorin pa ko at baka makatulugan ko na, o papano hanggang dito na lang ulit ngayong araw sana ay maging masaya ang weekend niyo. Patuloy ninyo pa rin akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking page sa Facebook na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. Nagpapaalalang mag-iingat po tayong lahat at manatili lamang sa bahay, ugaliin ding pong maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol sa kamay hindi sa atay at syempre lagi din pong magdasal sa Diyos para sa ikabubuti ng bansa. Paalam.
Talaarawan 26 Sabado March 28, 2020
Sakit sa katawan
Weekend na! Wassup sa inyo mga katasyo, kala nyo nakalimutan kong weekend na ngayon? Pwes! Nagkakamali kayo dahil sa talaarawan na ito ay makikota ko pa rin kung anong araw na. Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan sa araw na ito. Pagkagising ko ay agad akong bumangon para magkape at magnilay-nilay sa mga kaganapan sa ating bansa. Nang mabasa ko pa ang mga update sa amin group chat sa messenger ay lalo akong nabadtrip dahil dumagdag na naman ang gawain namin sa iba pang subject. Bakit ba kasi kung kelan nagsuspend ng online class ay saka naman nagbagsak ng gawain ang mga propesor, isa pa bakit lalo atang pinahirap at pinakumplekado. Ewan ko ba kala ko ay makakapagnilay nilay na ko ng maayos tapos bigla ganto. Bali para mabawasan ang mga gawain ko inuna ko na ang PE dahil alam ko naman na mas madali ito, mga hapon ko na din ito sinimulan at ang napakasaklap na pangyayari ay maliit ang bahay namin kaya walang magandang pwesto para sa ganitong activity. Walang kwarto tapos maliit ang sala sa dami ba naman ng tao sa bahay ay talagang napakasikip, pero ayos lang ang importante nga kasi makapasa para may grado diba? Bali ayon lang gabi na ko natapos at dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na naiupload ang video dahil nakatulog nga ako ng maaga. Halo-halo emosyon din ang aking naiisip dahil sa dami ng mga gawain at sa pagod na katawan dahil sa gawain, ngunit hindi ko naman sila masisisi guro daw sila at kailangan ay maintindihan dahil magiging guro din daw kami. Yun lang ngayon araw mga katasyo, patuloy ninyo akong subaybayan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at wag nang lumabas ng bahay. Paalam.
Talaarawan 27 Linggo March 29, 2020
Pangamba
Wassup mga katasyo panibagong karanasan na naman ang ihahatid ko. Hindi na talaga naubusan ng gagawin, lahat pa ng ipapasa ay kailangan na daw sa pasukan. Hindi ako nanunuod ng kdrama, walang mabilihan ng dyaryo at higit sa lahat ay hindi ako makagawa dahil nagtatrabaho silanate sa laptop. Kahit na may Internet connection kami sa bahay ay bumabagal ito dahil nga madami ang may gamit. Nadagdagan na naman ang mga gawain at ang masama pa doon ay bumungad agad sakin ang balita pagkagising ko, sa sobrang inis at taranta ko na baka nga dumami pa ay agad kong ipinasa ang aking video sa PE kaso lalo akong nainis dahil ayaw nga nitong magsend kahit na link ang ilagay ko sa turn in. Ewan ko ba kung kelan naman kasi kailangam saka ayaw magpasa buti na lang at walang trabaho ngayon sila ate kaya nagagamit ko ang laptop. Bago ko ituloy ang gimagawa ko ay nagalmusal muna ko dahil baka mahimatay na lamang ako habang gumagawa. Pagtapos ay inayos ko naman ang iba kong activity na dapat ay ipasa, pati na rin ang mga rereviewhin para isahan na lang ang paggawa ang kaso nga lang ay sinamahan ko naman silante maggrocery ng mga kailangan namin dahil paubos na ang mga stock na karne. Nakauwi kami ng alas - syete na ng gabi dahil sa dami parin ng taong namamalengke para sa kanilang mga kailangan, tumulong pako mag-ayos ng mga pinamili at magmarinade ng karne. Natapos kami ng alas-nuebe na ng gabi at sinubukan ko ulit magpasa ng activity ko sa PE ngunit ayaw parin dahil na din ata sa bigat ng file. Sinubukan kong babaan ito sa pamamagitan ng pag-cut ngunit ayaw makiayon ng panahon dahil ultimo ang video editor ayaw gumana, ewan ko ba malas ata talaga ko sa araw na ito. Dahil sa inis ay natulog na lang ako kesa sayangin ang oras ko sa paghihintay sa wala, hanggang dito na lang mga katasyo patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking page sa Facebook na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at huwag ng lumabas ng bahay. Paalam!
Talaarawan 28 Lunes March 30, 2020
Unang bugso
Wassup sa inyo mga katasyo, kagigising ko lang at kahit puyat at pagod ay iniisip ko pa rin ang mga gawain dahil na din siguro to dun sa natanggap kong mababang grado last semester. Ewan ko ba, tila mas maganda pang pumasok kahit delikado dahil wala akong natututunang maganda sa online classroom. Napagisipan ko ding magdownload ng exercise app para maganda naman ang hatid nitong quarantine sa akin, unang araw ko ngayon at medyo sumakit talaga ang mga laman sa katawan ko. Gawain pa din ang nasa isip ko dahil ayoko ng bumagsak ulit at mawalan ng tuition fee na libre. Gagawin ko na yon dahil baka doon sila bumase ng grade kahit na may memo naman ang president di natin alam utak ng mga ropesor baka ikalaglag ko pa ito. Ngayon ay magaala-sais na ng gabi, nakatapos na ako ng dalawang gawain puro mga activity lang na sasagutan dahil yun lang naman ang kaya sa ngayon dahil nga ginagamit ng mga kapatid ko ang laptop para sa trabaho kesa naman wala kaming kainin pag di sila nagtrabaho kaya laging sa madaling araw ako gumagawa para may pahinga din ang laptop ang kaso napagod ata ang aking katawan sa pagwoworkout kaya medyo aagahan ko ang tulog. Mga bandang 12:30 ay nakatulog na ko sinusulat ko lang ito ngayong tuesday dahil nga kagigising ko lang. Yung lamang para sa araw ng lunes mga katasyo, patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman at nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili sa loob ng bahay. THING!
Talaarawan 29 Martes March 31, 2020
Tanggal Stress
WASSUP sa inyo mga katasyo, panibagong araw ngunit namimiss ko nang gumawa ng bago sa bawat araw. Ikalawang araw ko ng pagwoworkout, nagising, nagkape, naghilamos, nagpasalamat tapos hawak ng cellphone tiggin sa workout plan warm up tapos weights sabay workout na. Namimiss ko na lahat ng ginagawa ko sa labas ng bahay, pagbabike sa antipolo, pagkain sa school, pagtambay sa labas. Gusto ko sanang gawin kasi yun lang halos stress reliever ko bilang isang studyante, kumain na din ako ng lunch na halos one cup lang ang rice. Kailangan daw kasing maging control yung pagkain para di na lumaki yung tyan para din maganda na tignan ang cycling jersey sakin. Nanunuod ako ng Kdrama ngayon para sa grades namin, kahit di ako fan neto basta kailangan. Ang ending hindi pa din naman ako nanuod kasi ang aga ko nakatulog dahil sa pagod ng katawan tinapos ko lang ang panunuod ng bar boys tapos sana papanuorin ko na yung kdrama na yun kaso nakatulugan ko na. Wala akong ganap ngayon araw kundi ang manuod ng mga video sa facebook saka wala din akong balita kung ano na ang lagay ng bansa sa COVID-19 na yan pati ang mga tao sa paligid ko. Ano pa nga bang maibabahagi ko? Basta ako namiss ko na umamoy ng sariwang hangin mula sa mapunong daanan papunta sa mga bundok pati na din sa patag, balak na nga naming magpunta sa Pillia pagtapos ng COVID-19 na issue ng lipunan natin ngayon. Gusto ko lang namang mag-alis ng stress sa katawan ko e. Sana matapos na 'to, yon ang laging dasal ko. Ito lang ngayong araw mga katasyo, papano bukas ulit? Patuloy ninyo akong subaybayan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng bahay. THING!
Talaarawan 30 Miyerkules April 1, 2020
Ikatlong bugso ng ehersisyo
WASSUP sa inyo mga katasyo, panibagong araw. panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan sa araw na ito ngunit sa kasamang palad ay nasasailalim tayo ngayon ng tinatawag na Enchanced Community Quarantine kaya wala ng sigurong bago at normal na lang ang lahat. Ikatlong araw ng pagpapawala ng taba sa aking katawan, gumising ako ng medyo naguguluhan dahil sa napakaraming gumugulong bagay sa aking isipan. Nagkape sabay almusal ng kamote tapos deretso ensayo at pagsasanay sa sarili kong katawan para sa ikagaganda ng hubog nito. Pagkatapos ay kumain ng kanin at ulam na pininyahan, nagpahinga sandali at nanuod na ako ng anime na Yowamushi Pedal. Tinapos ko ang season 1 at sinimulan na din ang season 2 para sa magandang panapos, pagtapos manuod workout ulit tapos kain ng kanin sabay ligo pagtapos. Yun lang ngayong araw, bali gagawa na din ako ulit ng sanaysay at sigurado na natapos ko na ito kulang na lamang ng picture essay siguro ay bukas ko na aayusin para mas maayos. Wala na naman akong ginawa ngayong araw kundi ang humilata saka nga pala gumawa ang ate ko ng dalgona coffee ngunit hindi ko na binalak tikman dahil gusto ko makatulog ng maayos ngayon. Laman ng sanaysay ko? mga totoo kong nararanasan ngayong ECQ sa aming tahanan. Pano bukas ulit? patuloy ninyo akong supotahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at huwag ng lumabas ng bahay. THING!
Talaarawan 31 Huwebes April 2, 2020
Danghus (Ang poging papi sa balat ng universe)
WASSUP sa inyo mga katasyo, panibagong araw ngunit wala ng bago sa ginagawa ko. HAHAHA, normal na araw lang ang ganap ko ngayon at dahil nga nasasailalim pa rin tayo ng E.C.Q, wala pa din tayong bagong gawain. Ngayong araw pagkagising na pagkagising ko ay agad akong nagpasalamat na buhay pa ako at nakakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos ay agad akong nag almusal at nagpahinga para sa exercise kong ginagawa araw araw, kung maitatanong ninyo ay gumagamit ako ng application para sa ginagawa kong workout. Mahirap? oo sobra may mga araw talaga na tatamarin ka gawin ngunit kailangan mo lang ng motibasyon. Sa ngayon ang pinaka nagpapakilos sa akin ay ang hangarin na maibalik muli ang lakas ko sa pagpadyak sa bisikleta dahil lagi na akong naiiwanan pagmagraride. Pagkatapos ko magworkout ay nagpahinga ng saglit at kumain ng tanghali, as usual one cup rice lang ang dapat kong kainin sa bawat kain ko mapatangahali man o gabi. Kapag gabi naman ay isang cup lang talaga tapos tubig lang ng tubig, malaki epekto? ewan ko pero nakapagbwas na ko ng isang kilo mula 56, ngayon ay 55.1 na. Pagkatapos ay nagexercise ulit ako ng gabi, sobrang dedicated ako dito sa workout na to kahit kailangan i video pero wala akong gawa. Ang importante sa ngayon ay bumalik ang endurance strength ng katawan ko, pagtapos ay hapunan at saka naman ako nagmuni-muni para sa aking mga gawain. Pagtapos mahugas agad akong manunuod ng youtube at papanuorin ang mga hinahangaan kong mga personalidad. Napunta ako sa channel ng isang napakasikat na artista na nagtapos sa UP Diliman at isa siyang propesor dito. Siya lang naman ang pinaka poging papi sa balat ng universe, walang iba kundi si Ramon Bautista. Solid ng vlogs niya dahil bukod sa napakaingay na intro nito dahil sa lakas ng pagkakaedit e, talaga namang pabababilib ka niya sa bawat laman ng vlog niya. Andyan ang pagiging kwela niya at ang tinatawag niyang pogi appeal at higit sa lahat ang kaalaman niya sa mga lumang sasakyan na talaga namang pinapanuod ko ng maigi dahil sa mga detalye neto. Isa lang sa pinakahinagaan ko sa kanya ay yung mga vlogs niya umaabot ng 40 minutes pero walang kahit anong ads, lupet diba? Hindi siya nagyoyoutube para lang magkapera kasi kung tutuusin e marami na siya nun. Talagang gusto niya lang maging well-educated ang mga tao at pahalagahan ang importansiya ng mga lumang sasakyan. Well deserve niyang magkaroon ng maraming subcribers, at oo pinuyat ko ang sarili ko para lang mapanuod ang mga bago niya pang mga vlogs. Matagal na kong nakasubscribe sa kanya pero hindi ko na masyadong napapanuod at ngayon ko na lang ulit nasundan ito. Kung tutuusin nga e talagang napakaconvinient na ng mga sasakyang luma, wag lang yung sobrang luma. Kasi kung ikukumpara mo siya sa mga brandnew na sasakyan ngayon na umaabot ng isang milyon ang halaga pero hindi pa ganoon kaganda tapos ang gagaan pa ng kaha, yung mga luma? aabot ka lang ng pinakamataas na yun 600k at pinakasolid na yun. Aircon? Check!, Gumagana? Check!, Madadala mo sa malayo? Lalong Check!. Basta't aalagaan mo lang yung sasakyan mong binili talaga sulit na. Ang pinaka nagustuhan ko dun ay yung Toyota Box Type, yung mga sasakyang pinapasabog lang dati sa pelikula noong mga 1990. Ngayon rear paps na! akalain mong nakabili si Ramon Bautista sa halagang 30k! Oo totoo, kaso andaming sira kaya dinala na niya agad sa talyer niya at pinaays agad pero ang sabi niya kaya daw makakuha ng ganun sa halagang 100-200k na goodworking na. Malamig na aircon, maayos na makina, at matipid sa gasolina. Oo nadala si Ramon Bautista ng box type niya sa Baguio, kaso ang max speed lang niya ay 70kph sagad na, hindi nga naman kasi pang harurutan ang mga ganung klase ng sasakyan pero yun ang tipo kong sakyan lalo na pagmalalpit na destinasyon lang. Yun lang, nuod kayo mga katasyo para magkaroon din kayo ng mga kaalaman tungkol sa mga lumang sasakyan saka kung gusto ninyong magkaroon ng sariling build cars madaming tips dun! Mag-eenjoy kayo kung gusto niyo magkaroon ng sasakyang sulit pero mura, subscribe to tito Ramon! Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa ating mga bahay. THING!
Talaarawan 32 Biyernes April 3, 2020
Hingot-hingot (Ang syota ng poging papi sa balat ng universe)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw na ito. Bagot na bagot na ko pero nilalabanan ko pa rin para sa ikaliligtas ko at ng bawat pilipino, walang bago sa araw. Kumain agad ako ng almusal pagkagising nagpasaglit ng pahinga at deresto ensayo na ng aking katawan pero wala pa ding video kasi wala na kong spaces sa aking phone. Oo, panget kasi phone ko. Nagtanghalian pagtapos magexercise tapos deretso ligo at hugas na din ng plato na pinagkainan, sumasakit na katawan ko na parang ewan. Basta ang mahalaga sakin ay nageexercise ako, bali pagtapos wala na kong ginawa kundi ang magfacebook tapos maglaro ng billar sa cellphone. Bago maghapunan ay agad muna akong nagexercise para naman mas mabilis ang pagwala ng taba ko sa katawan. Pagtapos maghapunan ay nanuod na ako ng mga vlogs ng mga sikat na taong hinahangaan ko, sa pagbabrowse ko sa youtube ay nakita ko na may related na video si papi Ramon sa isang youtuber din. Hindi ko siya kilala nung una, pero siya pala ang nagpapatibok ng puso ni papi sa araw araw. Walang iba kundi si Ms. Rachel Imperial, nanunuod kasi ako nung vlog ni ramon na midnight pares at nagulat ako bat bigla siyang nagkajowa dun? Kaya ayun, sa pakakurious ko ay tinignan ko na ang youtube channel niya. Oo dami na niyang vlog na kasama si Papi Ramon, kaya ayon tinuloy ko na manuod ng mga vlogs niya. About lang halos sa buhay nila at sa business niya saka hindi kasi akong sobrang adik manuod ng mga babaeng vlogger e kasi madalas make up make up wala namang natututunan e. Ang pinaka pinanuod kong maigi ay yung inalam niya kung ilan ang sasakyan ni papi, sa pagkatatanda ko babangitiin ko sa inyo lahat. Una yung Suzuki Swift, ginagamit ng erpats ni papi yung sasakyan kaya wala lagi sa condo niya. Sunod ay yung Mazda CX5 na napakaangas at napakaconvinient dahil malaki at sakto pangpamilya pero may kamahalan nga lang kasi brandnwe. Sunod ay yung suzuki jimny na talaga namang napakaangas din bukod sa kulay nitong pula ay pwede na ring gawing pang off road at pang picnic kapag lalabas ang pamilya. Sunod ay ang Toyota Box Type na dalawa kaso nga lang yung isa nasa pagawaan, ang malupit pa dun ang tawag nila sa Toyota Box type ay brandnew car. Ewan ko din kung bakit, sunod naman ay ang lancer evo 3 at 6 eto yung pinakapaboritong sasakyan ni papi pero sabi niya nga eto yung evo na hindi talaga ginawa para maging evo kasi stock parts lang dapat pero pinabago niya at pinaaangas. Tapos yung dalawang motor ni papi na serrow at yung zoomer x na pinamodified niya tapos parang ginawnag leather lahat, angas diba? Dami kasi pera e. Pero yun nga halos madami-dami na din daw nagastos dun si papi kaya nagbabawi siya ngayon at nagtuturo. Hanggang dito na lang muna mg katasyo, papano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula", Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 33 Sabado April 4, 2020
Ligid (Maligayang kaarawan aming bunso)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong pag-asa at karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Pagkagising ko ay agad na akong bumangon sa higaan, hapon na din ako ng magising pagkatapos ay agad akong naghilamos at nagligpit ng higaan dahil nagagalit na naman sa akin ang nanay ko. Oo tama, kaarawan ngayon ng bunso naming kapatid. Pero syempre almusal mula habang nagluluto sila ng pansit tapos ay agad na akong nagexercise at workout dahil alam ko namang madami ang makakain ko. Pagtapos magworkout ay dumating na din ang cake na pinadeliver namin mula sa Caramia, grabe sobrang salute kay kuyang nagdeliver kasi bilang lang sa daliri ang branch na malapit samin. Isa pa napabilib talaga ko ng cake ng Caramia kasi hindi basta-basta yung lalagyan nila na ginagamit parang solid yung lamig pagnaglagay ka ng ice cream cake. Oo yun yung pinadeliver nila ate, sarap nga e. Kahit napakaraming carbs at sweets nun kumain ako kaso kaunti lang saka ngayon araw yung experience ko na hindi ako kumain ng kanin buong araw, umagahan ko tinapay at kape lang sabay sa tanghalian pansit lang saka cake, yung hapunan ko? Oo pasit lang saka chicken wings na niluto nila ate. Bago ako kumain talagang nagexercise ulit ako para mawala yung carbs na nakuha ko sa cake, pagtapos ay business as usual. Nanuod ng mga vlogs ng team payaman tapos deretso na tulog dahil sa pagod at kabusugan sa handaan. Hindi naman nalungkot kapatid ko kasi mas okay naman daw yung gantong handaan lang, saka oo nga pala lumabas ako nang araw na to. Bumili lang ng ice cream sa malapit tapos nakakita ako ng mga tao nagtatakbuhan na akala ko kung ano, relief goods pala pero kung nalaman ko lang na mamahalin pala lamang nung mga pinamimigay nila aba baka nakipila din ako kaso wala e. Nalaman ko na lang sa tita kong nagpost sa Facebook, para talaga sa mga may kailangan yun sa gantong crisis. Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 34 Linggo April 5, 2020
Tagurkad (Billar?)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman kaya ang makikita/mababasa niyo? Di ko alam pero sisimulan ko pa lamang ang araw na ito. Magaalas-tres na ng hapon ng magising ako, napasarap na naman tulog ko kakapuyat sa mga youtube videos na pinapanuod ko mula pa nung mga nakaraang araw. Agad ko nang niligpit ang aking higaan at naghilamos ng mukha tapos deretso kape at almusal, may natira pa kahapon sa handaan? Wala na aba madami kaming magkakapatid at hindi lang ako ang malakas kumain. Tinapay lang tapos nung titignan ko na workout application ko ayun, rest day. Wala akong nagawa kasi sabi nung application kapag pinilit ko baka magkaroon ng injuries saka fatigue, ginawa ko nagjog in place lang ako tapos minimal lang na self routine ko galing sa binuo kong workout plan. Pagabi na nang maisipan kong mag-install ng 8 ball pool na billar mobile, ayun nalulong na ako at kumain ako ng hapunan tapos deretso sa youtube at tumuloy na sa paglalaro. Walang bago? yan lang ganap sa araw ko e. Hindi ako nagbasa o gumawa ng assignment pero nagsesearch naman ako ng iilan-ilan. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking Facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman , na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 35 April 6, 2020
Damason (Respeto kay Doc)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman at may balak akong panuorin ngayong raw. Itutuloy ko lang kasi naputol yung panunuod ko neto kasi sa inuman ko napanuod e, kailangan na kasing umuwi kaya hindi na namin natapos medyo nakalahati din namin yun. Anong bago? wala naman ganun pa din gumising ako ng maayos at nagligpit agad ng higaan tapos rekta hilamos at pasalamat sa Diyos na numbawan sa puso ko. Nagalmusal ako ng kanin na deretso tapos nagpahinga ng saglit sabay deretso na sa workout routine sa application ko, stretching tapos exercise sabay pahinga saglit at ligo sabay kain ng tanghalian. Siyesta saglit tapos rekta na workout ulit para mabilis resulta nung ginagawa ko, gabi na tapos rekta na ko nanuod ng vlogs hanggang sa dumeretso na ko manuod ng "RESPETO" na ginanapan ng mga fliptop emcee. Oo merong copy sa youtube, ewan ko kung san nila nakuha yun. Natapos ko na at talaga namang napakaganda, talagang nabighani ako sa kwento ni Doc kung tawagin sa movie na yun. Akala kasi ng iba ang kataga na kanyang pangalan ay tungkol sa pagiging magaling sa medisina, pero hindi. Ang doktor sa pangalan niya ay nagpapakahulugan na siya ay bihasa na sa pagsulat ng mga tula at pagaaral sa sarili nating wika. Oo, akala mo isa lang siyang may ari ng lumang bookstore na pwede mong hiraman ng libro pero kapag nasimulan mong dumiskubre ng mga bagay sa bookstore na yon ay talagang magkakaroon ka ng kamalayan at pagpupugay sa mga taong makata sa bansa natin. Kasama pa nga dun ang mga totoo talagang makata tulad na lamang ng pinuno ng kagawaran ng wikang Filipino, Oo kasama siya dun! Isa siya sa mga kasali sa pakikipagbalagtasan na senario nung pelikula, ang pinagtatalunan? Ang pagbabasa ng libro sa ebook o sa tradisyunal na pamamaraan. Gusto mo pang malamang ang ibang detalye? Aba panuorin mo katasyo, totoong maganda ang pelikula ngunit ang naging kahinaan lang nito ay ang open na ending ng pelikula dahil parang kailanagan mong magpalawak ng pagiintindi at pagiisip para magkaroon ito ng wakas saka ang mga mismong gumanap na hindi masyadong kilala, libre na ang kopya ang kailangan mo na lamang ng internet. Ba't hindi mo na panuorin? Tanong ko din sayo katasyo, may RESPETO ka pa ba para sa mga taong talagang pinahalagahan ang sarili nating wika at ang mga akda nila? Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula", malay niyo makatulong din iyon sa pagkahumaling ninyong aralin at paghalagahan ang ating wika. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng inyong bahay. THING!
Talaarawan 36 April 7, 2020
Dukotdukot (Ang mapagpanggap na bayani)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. May bago akong nakilala sa social media, matagal ko na pala kilala ngayon ko lang nalaman ang totoong pagkatao niya. Bago yan, gumising ako ng maayos kahit puyat kakanuod ng mga video sa youtube. Nagligpit ng higaan tapos rekta hilamos ulit, pagtapos ay nagalmusal ng tinapay at syempre alam nyo naman workout lagi. Stretch lang ng unti tapos deretso na sa workout, nagtanghali at nagpahinga saglit habang nagbabrowse ako ng mga video sa facebook nakilala ko na ang huwarang bayani na ito. Hindi ako basher nito mga katasyo, pero palagay ko tama naman siguro ang kanyang ginagawa may baliw lang na pumatol sa kanya na ginawang literal ang mga hamon na pinapagawa niya. Kilala siya sa pangalan Mr. Francis Leo Marcos, oo ngayon ko lang nalaman ang kanyang mga tinatagong sikreto dahil dun sa nagvideo na may sayad ata sa ulo. Nakamamangha talaga ang mga pinaggagawa nito ni Mr. Leo kaso nga lang siya pala ay galing ng cotabato at nagpapalit lang ng pangalan kasi marami na daw naloko. Ewan ko kung totoo yung pinanuod kong yun, kaya ang ginawa ko ay nagsaliksik at totoo naman pala na nagpapalit siya ng pangalan at naging mayaman sa masamang paraan. Pero hindi mo maitatangi na kahit na ganon ang kanyang pinagmulan ay lubos pa din ang pagtulong niya sa mga may kailangan lalo na ngayong may ganitong epidemya, alam nyo ang kinamangha ko lalo dito ay yung napakalaki niyang bahay tapos solid na sasakyan dahil nga avid fan ako ng mga sasakyan. Nariyan ang Ford Mustang, Ford Expedition at isa pang sports car, solid diba? tapos ginagamit niya lang yun pagmamimigay ng mga relief sa iba. Nagin sikat pala siya kasi siya lamang ang naglakas loob na hamunin ang mga mayayaman at mga politiko na magdonate at tumulong ngayong may ganitong epidemya. Panay din ang live niya at totoong napakarami niyang ginagawa para sa ating mga kababayan ang kaso nga lang ay nagpapaggap lamang siya at nagtatago sa isang hindi niya naman talaga pangalan. Ngunit isa siyang bayani, tutularan siya? pwede naman ngunit wag lang ang nakaraan niya. Siguro ay maaari nating siyang tularan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga may kailangan. Mr. Francis Leo Marcos! Saludo po ako sa inyo, sana po ay magpatuloy pa ang inyong nasimulang gawain at wag sanang mahawaan ng politika ang inyong pagtulong. Salamat po! Pagtapos ko panuorin at saliksikin ang buhay ni Mr. Marcos ay nanuod na ko ng mga vlogs nang aking mga hinahangaan sa youtube at natulog na rin. Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 37 April 8, 2020
Baylobaylo (Extended ang ECQ)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Oo, alam kong huli na ang pagboblog ko nito. Nausog ang dapat sanang April 14 na pagsasawalang bisa ng Enhanced Community Qurantine, napunta sa April 30 dahil nga lalo lamang dumadami ang mga PUI, PUM at mga positibo sa COVID-19 sa bawat ospital sa Luzon. Bago ang lahat ay syempre nagising muna ko ng maayos at medyo maaga sa nakasanayan, mga alas-dose nagising na ko at nagtanghalian na agad ako sabay kape. Nagworkout na din ako para mas maganda na katawan ko unti na lang, HAHAHAHA. Oo, totoo ngayon ko lang talaga nabalitaan na sure na extended ang ECQ. Maganda epekto? Hindi para sa isang tulad kong istudyante pa lamang dahil mauusog na naman ang araw na ipapasok namin at syempre nagaalangan na baka wala nang bakasyon na maganap. May bali-balita pa nga na balak na daw ipasa ang mga kolehiyo na sadyang ikinababahala ko, dahil hindi pa nga nakakakalahati ang second sem ay ipapasa na agad. Oo, bawas trabaho pero para sakin mas gusto ko pang pumapasok sa school kesa tambakan ng gawain dahil nasa bahay ka lang. Pressure? Oo, dahil hindi naman ganun kataas ang grado ko noong unang semester at oo kasalanan ko kasi hindi pa ako nakakapagadjust sa buhay bilang isang kolehiyo. Ewan ko, dito ko na lamang talaga minsan naibabahagi ang mga nadarama ko o kaya sa pamamagitan na lamang ng tula o kwento. Pagkabagot ang nadarama kahit marami pa ang nakaatang na gawain para sa isang kolehiyo na may pangarap sa buhay. Hindi na ng ako nakakatulog ng maayos dahil sa kabi-kabilang mga naiisip ng utak ko, panay alala ng assignment, mga task. Pero eto nakatambay lang ako at wala akong ginagawa kundi ang kumain at magexercise, nagcecellphone at nagkikipagkwentuhan. Isa sa pinakamalaking desisyon ko ngayong araw ay ang paguninstall ng mobile legends sa cellphone ko. Oo, kahit wala namang namamalimos ng oras di tulad ng iba na pilit ng pilit na mamaya na nagmml pa ko. Cancer, HAHAHAHA pero syempre pinalitan ko naman yung ml ko grabe halos 4gb ang nawala nung inalis ko ang ml pati ang mga folder nito. Naginstall naman ako ng NBA Live bilang kapalit, maliit lang ang kinukomsumo na space sa storage at maganda pa laruin kaso nga lang online tapos kailangan mo mabili yung mga players na malalakas pero pera sa laro ang kailangan. Isa pa ay yung 8 ball pool na kakainstall ko lang din, mas maayos din yun kaso laging talo kasi hindi naman talaga ako marunong magbilliard. Ano pa bang bago sa araw? Wala na kasi wala naman akong ginagawa. Bukod sa pagsulat ng tula sa cellphone at social media, pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 38 April 9, 2020
Danghus (Ang simula ng Looooong Weekend?)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Pero bago yan, magnilay-nilay muna tayo mga katasyo dahil noong lunes ay nagsimula na ang seman-santa na ginaganap nating mga katoliko. Marami sana ang mga ganap ngayong araw na ito kung ito ay normal na araw, nariyan ang pagsiswimming sa mga beach at paglalakbay sa kung saan mang dako ng Pilipinas. Kaso, mayroong kasing kinakaharap ang ating bansa sa panahon ito. Kaya't mas maigi na siguro ang nasa bahay lang tayo at sumunod tayo sa gobyerno, magpasalamat dahil buhay tayo at walang sakit at makinig na lang muna ng mga live telecast na misa sa radyo, T.v o sa facebook. Subukan nating balikan at pahalagahan ang mga paghihirap ng ating tagapagligtas kahit na nasa bahay lamang tayo at hindi makakalabas. Hindi ito normal na araw pero nagising ako ng alas-tres na nang hapon, bumungad sa mga mata ko ang makulimlim na panahon sa aming lugar. Mainit ang ihip ng hangin at maingay ang mga puno, hindi maipaliwanag ang ganitong panahon dahil mahangin nga pero mainit ang dala nito. Pagharap ko sa lamesa pagkatapos magligpit at maghilamos ay nakita ko ang makinang at malalaking hiwa ng mga tokwa sa aming lamesa, napalunok ako ng laway dahil sa sobrang sarap nitong tignan. Agad kong tinanong si mama kung ano ang luto dito, "sisig tofu", aniya. Lasap na lasap ko ang mamantika nitong balat na may pagkalutong pa habang nginunguya ng iyong mga bibig, lasang-lasa mo ang sisig sa ganitong ulam lalo na't marami ang pampaanghan nito. Pagtapos kumain ay agad na akong naghugas ng kinainan nakatayong natatangal ng tinga. Habang nakatayo sa may salamin ay nagulat ako dahil sa pagbagsak nito, nahulog lahat ng gamit na nakalagay sa mallit na espasyo nito. Alas-singko na ng hapon ng maisipan ko ng linisin ang lahat ng mga gamit na nakalagay dito, tila mayroong pwersang dala ang pagkahulog ng salamin at ako ay naudyok na maglinis ng lahat ng gamit sa amin. Inabot na ako ng alas-syete kakalinis na pati ang mga laruang nakadisplay sa may T.v ay nalinis ko narin pati ang mga sulok-sulok nito para mas maganda tignan. Sabi ko nga e, "sakto eto ang magandang gawin ngayong semana santa para naman may silbi ang mga tao sa bahay". Pagtapos ko doon ay nagpahinga na ako saglit at agad na nagworkout para naman deretso ligo na at nang marefresh ang katawan ko mula sa pagod ng paglilinis. Kayo ba naglinis ng nang bahay nyo? Gusto niyo bang tikman ang sisig tofu? O mas gusto ninyo ang manilay-nilay sa bahay ngayong semana santa? Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. Manalangin po tayo na sana ay bumuti na ang lagay ng bansa pati na rin ang may mga karamdaman. THING!
Talaarawan 39 April 10, 2020
Hingot-hingot (Ang madalas na konsepto ng indie films sa Pinas)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong kaalaman na naman ang inyong makukuha dito sa aking buhay. Bago mo ipagpatuloy ang pagbabasa nitong talaarawan ko, naranasan mo na bang makanuod ng indie films? O baka isa ka sa mga karakter na gumanap na sa mga indie films. Oo, sa Pilipinas lang. Huwag tayong magassume na makuha sa ibang bansa sa dami ng mga tao din doon na nais ang pagaartista. Kung isa sa mga nabanggit aba tara na't samahan mo akong tuklasin ang mga nakita ko sa panunuod ko ng indie films noong mga taong 2010-2014. Pero syempre bilang talaarawan ito, mauumpisa muna ako sa aking paggising. Oo, late na kasi napuyat ako kakanuod nga ng mga indie films sa youtube lang naman kaya sana wag kayong judgemental. Sa youtube meron mga kumpletong kopya kaso pili lang hindi lahat, libre na nga lang paggamit gusto pa lahat? HAHAHA. Pagkagising ay nagalmusal agad ako tapos kung ano-ano na ang kinalikot ko sa damitan at mga gamit ko kasi nga binalak ko ng maglinis e, tinuloy ko na kesa naman mas lalong dumumi ang mga damit ko kahit na di pasinusuot. Pagtapos ay nagexercise na ko dahil gabi na din ng matapos ako sa pagaayos, munggo ang ulam at dahil katoliko kami ay bawal ang magulam ng karne ngayong panahon ng kwaresma. Oo, paniniwala iyon na hindi na maiaalis sa iba dahil mas nakasanayan na nila ito kesa magulam ng karne. Ngayon dumako naman tayo sa panunuod ko ng indie films, tatlo ang pinanuod ko ang una ay medyo luma na dahil 2012 pa ginawa at ang pangalawa naman ay low budget entry at ang pangatlo ay sadyang luma na 2007 naipalabas. Ang pamagat ng una ay "Ang Huling Cha-cha ni Anita", kaunting diskripsyon lamang ang aking babangitin subukan ninyong manuod dahil wala naman ito bayad. Si Anita ay isang batang babae na sa kanyang paglaki ay makikilala niya si Pilar na kalapit bahay lamang niya, nagkagusto si Anita kay Pilar kahit na ang edad ni Pilar ay halos trenta anyos na. Napagtanto din ni Anita na siya ay may pusong lalaki kahit na siya ay nasa katawan ng babae, sundalo ang tatay ni Anita kaya't nanaisin niya rin ang maging isang magiting na sundalo. Sa dulo ng istorya, nakamit na ni Anita ang ninanais niyang masahe ni Pilar sa kanyang katawan ngunut paggising niya ay wala na siyang Pilar na nakita sa kanyang tabi at iniwan na siya nito. Sa ikalawang palabas naman, hulaan ninyo kung magkaano ang budget nila dito sa pelikula nilang ito, hindi ko kilala ang nagproduce ng movie pero medyo maayos naman siya sadyang hindi lang ata ako nadadala sa pagarte ng mga artista na halata mo talagang isang indie film. Ang pamagat ay "NENA" ang direktor ay si Mr. Paolo Labitoria, tungkol naman ito sa isang babae na halos ipagtabuyan nang mga lalaki na nasa paligid o buhay niya. Nagtatrabaho siya sa isang salon at mayroong pangarap na makapagaral sa kolehiyo ang kaso nga lang ay ayaw siyang pagaralin ng tatay niya at sinasabihan siyang magtrabaho na lamang. Halos lahat din ng kapatid niya ay lalaki na halos pagtabuyan na siya sa buhay nila, nagkaroon naman siya ng kasintahan ngunit sinulot ng baklang kasama niya sa salon at ang isa naman ay adik. Sa huli nakatagpo siya ng lalaking papahalagahan siya at ituturing siyang prinsesa ano man ang naging nakaraan niya. Ang pinakahuling palabas na pinanuod ko ay ang "Bola" na mas matagal na kumpara sa mga nauna, tungkol naman ito sa isang taong may pangarap na maging isang sikat na basketbolista at dumaan sa mga hamon sa buhay, nang dahil din sa kahirapan at pangarap mas pinili niya ang magmahal ng kagaya niyang lalaki upang masustentuhan ang kanyang pag-aaral at pagbabasketbol. May mga aral din naman siguro ang mga pelikulang ito ngunit syempre kayo na lang ang tumuklas noon sa pamamagitan ng pagnuod nito. Ang madalas na konseptong nasa pamagat ng talaarawan na napansin ko ay.. una, ang mga indie films sa Pilipinas ay madalas na may mga malalaswang konsepto para na din siguro ito sa ikapupukaw ng atensyon ng mga manunuod at ang ikalawa naman ay madalas na mayroong LGBTQIA+ na kasama sa mga karakter, siguro ay kasama naman ito sa mga instrumento para sumikat ang mga talents na gumaganap dito at ang pinakahuli ay madalas na konsepto ay ang pagiging mahirap ng bida at kakapit sa mayaman o sa patalim, ang iba naman ay nagsisikap para sa mga pangarap nila, siguro ay ginawa ang konseptong ito para na rin makarelate ang halos lahat ng mga nanunuod. Papano manunuod na ba kayo? baka may alam din kayong magandang indie films na gawa sa bansa natin. Iprivate message niyo naman sa page ko. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa ating bahay. THING!
Talaarawan 40 April 11, 2020
Ligid (Sabado de gloria)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. May bago ba sa araw ko? Teka check ko muna baka wala e sayang naman. HAHAHA. Bago tayo magsimula sa araw ko syempre noong mga nakaraang araw ay panay na ang linis ko dahil nga sinisipag ako kaya ngayon araw ay malaman na maglilinis ulit ako. Nagising ako ng pasado alas-tres na ng hapon, medyo inaantok pa ko pero ok na yun deretso na ligpit ng higaan tapos punta ng banyo, hilamos ng mukha at syempre higit sa lahat timpla ng kape para sa magandang mood ng gising. Pagtapos ay napagdesisyunan ko nang magalmusal ng napakasarap namin pagkain na tocino, partida almusal ko ay halos alas-tres na ng hapon. Pagtapos ay akma na akong maliligo dahil sa init nang panahon ng bigla kong maisipang linisin na lang mula ang aking damitan. Oo, nilinis ko ito at inayos ng tiklop ang mga damit kong pambahay. Ako kasi kapag kukuha ng damit ay basta na lang hatak dito, hatak doon tapos suot agad pagtapos maligo kaya gusot-gusot ang mga damit kong pambahay. Kaya kapag aalis ako hindi ako pwedeng magsuot ng pambahay, hindi kaaya-aya. HAHAHA pagkatapos ay nilinis ko na din ang mga gamit kong nakalagay dito. Lalong-lalo na ang mga pamanang babasahin ng lola ko sa akin, hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon. May mga lengguwahe na nakaespanyol ang mga salita tapos syempre matagal ko nang nasearch yun, mga dasal ng katoliko ang mga iyon at mga dasal din nang mga santo. Puro ganoon ang laman dati ng damitan ko ewan ko ba kung bakit pa ko pinataguan ng mga ganoong bagay. Lalong-lalo na yung kwintas ni padre pio na laging pinababaon sakin ni mama kapag malayo ang pupuntahan ko. Nagugulat na lang ako kung minsan kapag magliligpit na ko ng mga gamit ko mula sa bag ay andoon ang kwintas na nakasingit sa bulsa ng aking bag na ginamit. Kahit sa pagbibisikleta, nako kailangan pa may isuot talaga akong kahit ano o di kaya ay baunin ko habang naglalakbay. Pagtapos noon ay agad ko namang nakita yung mga shorts ko na walang mga pantali, kuha ng perdible tapos agad ko nang pinasok para sandali lang at matapos na agad ng mabilisan ang mga gawain ko. Pagtapos noon ay sinipag na ko magworkout kaya naman dali-dali kong nilagay ang mattings sa sahig at sinimulan na ang workout. Pagtapos ko ay nagpahinga ng saglit tapos deretso ligo, pahinga ng kaunti hanggang sa may nabasa akong website na para sa workout. Nakita ko dito yung mga habits at practices na kailangan mo habang naguunder-go ka ng workout plan mo, at ang sakin ay mali ang mga ginagawa ko lalo na yung sleeping pattern ko ay hindi dapat pwede. Pero wala akong magawa, hindi ko mapatulog ang sarili ko nang maaga. Sabi sa article na pwedeng ikamatay ang ganoong habit kaya medyo nagaalangan ako kung itutuloy ko pa ba ang workout routine ko kung lagi naman akong ganito. Ewan ko ba, basta natulog ako neto ng mga alas-tres nang umaga. Pano bukas ulit ? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa ating bahay. THING! INGAT!
Talaarawan 41 April 12 2020
Tagurkad (Walang Tulog)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong kararanasan na naman kaya ang inyong matutunghayan sa araw na ito? malalaman natin yan ngunit sinimulan ko ang talaarawan na ito ng walang tulog. Oo, wala pa kong tulog at agad akong nagalmusal habang nanunuod ng misa para sa araw ng pagkabuhay ni Hesus. Kaya hindi na ako nakatulog ng maaga ay hindi ko din alam, laging ganito e, bali pagtapos nung misa ay agad na akong bumalik sa pagkakahiga at nagmuni-muni muna sa aking cellphone. Maya-maya pa ay nakatulog na din ako, mga bandang alas-nuebe na ata siguro dahil sa kabusugan ko noong almusal. Pagtapos ay nagising na ako ng halos pa-gabi na din napasarap din ang tulog ko dahil siguro sa medyo may kalamigan ang panahon. Nagtanghalian agad ako kahit na hapon na at kahit de lata ang ulam ay ayos lang atleast nakakahinga pa naman ako ng maluwag. Naghapunan ako mga bandang alas-otso ng gabi at dumeretso na manuod ng aking mga paboritong mga vloggers sa youtube. Medyo hassle nga lang kasi umiinit kapag ka gabi na dito sa bahay, ewan tila nasa pugon kami araw-araw e. Pagtapos? nagml naman ako sa cellphone ni mama para may pagkaabalahan, wala akong ginagawa na mga bagay pampaaralan na medyo kinababahala ko ngunit sana ay medyo may matapos ako kahit papaano dahil pinabibigat lalo nila ang mga gawain. Magaalas-dos na ng madaling araw, matutulog na ko ayoko na mapuyat. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 42 April 13, 2020
Damason (Pangarap sa rap)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Oo, sure na siguro to. Alas-dose na ng tanghali ako nagising mula sa pagtulog ng mahimbing sa aking munting higaan na tanaw ang dingding, na puti na napapaligiran ng dumi at marahil ay pighati sa problemang dinadala ko lagi. Naghilamos agad ako at nagtoothbrush para stay fresh, sunod ay ang pagliligpit ng higaan na sadyang nakakalat at magulo dahil sa pagtulog ko. Naisipan ko nagyon ay gagawa na ako ng mga school works kasi nga madami-dami pa at may tyansa pa na dagdagan dahil sa extension ng ECQ. Ewan ko ba, eto na naman ako sa hindi mabahalang isip. Kumuha agad ng tasa at nagkape na ako habang nagtatanghalian sa lamesa, pagtapos ay naghugas at humawak na ng cellphone para sa social media. Update lang ng nangyayare at syempre pasok sa youtube, pagtapos manuod ay agad kong naisipang sumulat ng tula para sa sarili ko at mga paalala na maaaring magtulak sa aking gumawa. Ayon na nga, gumawa na ko ng DLP draft ko para dun satatlo at sabi ko ay mamayang gabi ko na itatype dahil nga nagtatrabaho pa sila ate at gamit ang laptop. Hapon na din siguro ako nagsulat ng tula at draft ng DLP tapos kinagabihan pagtapos na pagtapos ko gumawa ng dalawang DLP ay may nagchat sakin na pamangkin ko na gustong sumulat at magrap kasama daw ako. Dahil na din sa suporta ko sa mga gawa niyang kanta ay nagkuntiyaba na din ako, sinabihan ko siya na featuring lang ako sa kantang ilalabas niya kaya naman agad kong kinuha ang beat sa kanya at sinulatan na ito. Nagtagal din ang aming chat dahil nga gusto niyang mapaganda ang kanyang sulat, sinabihan ko lamang siya ng aralin niya ang paglikha ng tula at doon ay mas may magiging laman ang bawat niyang kantang ilalabas. Bata pa siya kaya't kaya niya pangmagpursigi sa nais niya, hindi dapat natin hinahadlangan ang ganitong mga pangarap sa pagrarap kahit na sa una ay hindi gaanong kagandahan ang gawa niya ay dapat na mas pursigihin niya pa at wag ayawan ang pangarap niya sa sarili. Madaling araw na ako nakatulog dahil sa tinapos ko na muna ang aking gawang rap para bukas ay aayusin ko na lang at papalitan ng liriko kung mababaw. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay.THING!
Talaarawan 43 April 14, 2020
Dukotdukot (Sulat, Sira)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw? Malay natin diba? Ngayon araw, alas-kwarto na ng hapon noong magising ako. Ewan sarap matulog kapag puyat? malay ko din di ko naman alam e , basta magigising na lang ako tapos ayos na tinggin na agad ng oras. Syempre dating gawi, rekta banyo tootbrush at hilamos medyo hindi tipikal kasi hindi na ako nagtanghalian o kumain ng kanin dumeretso na ako ng hapunan tanggi kape lang at tinapay ang lamang ng tyan ko buong maghapon. Pagkagabi ay agad na bumungad sa akin ang sira kong bisikleta at oo, noong ginamit ng tatay ko saka nasira pero noong ako may gamit walang nangyayari kasi ako nagaadjust sa bike hindi yung bike yung pinagaadjust ko. Ayon nasisi pa ko kase di ko daw pinagagrasahan yun, e di niya naman bike yun nangingialam. Pinaayos niya sa kapit bahay namin marunong naman kahit papano magayos ng bike, langis langis ng unti tapos paikot sa kadena. Ayos na ulit, pero ewan ko bahala tatay ko dun at malamang pagginamit ko yun masisira na ng masisira hanggang sa wala na kong magagamit. Pagtapos nung siraan namin ng bike ay dumeretso na akong kumain ng hapunan dahil gutom na din ako at hindi na makatiis ang tyan ko. Naghugas na din ako ng plato para deretso, napadaan pa nga yung tiyuhin naming galing sa delivery ng item e. Naisipan ko na ding magdownload ng app na pwede kong paglibangan at pagrecordan. Oo, nagsulat na naman ako ng kanta. Natapos ko agad at unting linis lang ang ginawa ko sabay record kahit na pabulong ang boses at hindi masyadong rinig. Ang titulo ay "KAIBIGAN" na hango mismo sa liriko noong kanta na tungkol sa kaibigan kung papano magsuportahan at magkaroon ng mga panibagong pagkakaabalahan sa buhay habang tumatanda. Nirelease ko yung kanta kaso sa mga kaibigan ko lang din, hindi na ko masyadong nagpabibo na pati sa iba iparinig nakakahiya. Yun lang ngayong araw, nanuod din ako ng youtube kaso medyo late na kasi nakafocus ako magsulat ng kanta e. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 44 April 15, 2020
Baylobaylo (Tuloy-tuloy na ulit)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Oo, panibagong karanasan na ito dahil gumagawa na ulit ako ng kanta ng nasa wisyo. Tangahali na ko nagising, medyo normal sa nakasanayan. Syempre dating gawi, hilamos at ligpit higaan sabay deretso na tanghalian at higop ng mainit na kape sa tasa kong malaki. Nagulat nga din ako dahil maaga dumating ang tatay ko mula sa delivery ng gamot? Ewan ko malay ko sa ginagawa nila. Pagtapos ay tinawag na ako para dalhin ko daw yung bike sa pagawaan ng maayos niyang magamit at syempre bisikleta ko yun kaso hindi ako natutuwa na may pinalitan na agad dun. Pagdating ko ay humanap agad ako ng mapapalit na piyesa na siya ring tugma sa ngipin ng bisikleta. Ang mahal at itong nagkakabit ay tila may lakad dahil nagmamadali ikabit at hindi man lang nilagyan ng grasa ang mga bulitas ng gulong. Ewan ko ba dun, binayaran naman labor niya e. Basta pagtapos deretso uwi na ako at walang tunog yung bisikleta ko habang pinaaandar na sadyang nakakapanibago at hindi ako sanay. Basta't may magamit lang muna pagtapos na ng ECQ ko papaayos yun ng maayos sa maganda mag-ayos na mekaniko. Ayaw na din kasi ako doon sa shop na yun kasi minsan ng nagkulang ang pera ko pambayad ng labor, baka natandaan na mukha ko tapos lagi na kong gaganunin kaya ayoko na doon. Pagtapos ay naligo na ako dahil nga lumabas ako at nagedit ulit ng kanta para mas mapaganda tapos nagpagawa na din ako ng lyric video sa tropa ko para naman medyo may dating yung record. Pagtapos ay nagsulat ulit ako ng panibagong kanta sa mga beat na nakita ko sa application na yun, nageedit ako ng maisipan na manuod ulit ng vlogs sa youtube. Nakatulog na ako mula sa panunuod at di ko na namalayan ang oras, Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng bahay. THING!
Talaarawan 45 April 16, 2020
Danghus (Gulong Isipan)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw. Huwebes na, malapit na naman matapos ang linggo. Hapon na ako nagising at agad akong gumawa ng mga nakasanayan kong mga bagay. Alam nyo naman na siguro yun kung talagang nagbabasa kayo ng talaarawan ko mula sa website na ito. Wala akong ginawa ngayong araw kundi ang kumain magyoutube at ang pinakahuli ay gumawa na ako ng kanta. Bilis no? tatlong kanta agad tapos isang minuto na yun. Medyo mababaw ngunit iniedit ko naman yung mga salita kapag irerecord ko na para maganda pakinggan, inayos ko na yung mga kanta ko tapos nilagay ko sa isang folder sa files sabay edit ulit ng edit para gumanda ng gumanda tapos record ng record. Yung pangalawaang kanta pala ang titulo aya "BABALA" tas yung pangatlo yung kolab namin nung pamangkin kong aspiring rapper. Yun lang wala naman akong ginawa ngayon araw at isa pa hindi ako nakatulog ng maayos ngayon puro tulog-gising ako, hanggang sa umabot ako sa punto na nagsulat na lang ako ng tula at binasa ang mga luma kong gawa. Nakakainis man e wala akong magawa at hindi ko din alam kung bakit. Kaya pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 46 April 17, 2020
Hingot-hingot (Mobile Legends)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan sa araw na ito. Hindi ko din alam pero malay mo, bago yan. Gusto ko munang malaman ninyo ang mga kwento sa likod ng moblie application na mobile legends na talaga namang kinababaliwan pa rin ng mga kabataan o kahit na ng ilang mga matatanda sa panahon ngayon. Laro ito ng patayan at labanan ng magkabilang panig, mayroong limang manlalaro ang bawat panig at talagang magkakaroon ng matinding pagalingan pumindot at alertong utak pagdating dito. Ginaya na lamang nito ang konsepto ng Dota (Defence Of The Ancient) at ng LoL (League Of Legends) na parehas na nilalaro sa pamamagitan ng computer at naging malaking kaibahan ng paglalaro ng ML (Mobile Legends) na tanging cellphone lamang ang gamit. Syempre dadako na tayo sa ating talaarawan, gumising ako ng bandang magaalas-singko na ng hapon dahil nga hindi ako makatulog ng maayos kaya't medyo puyat din ako. Deretso sa banyo hilamos at nagligpit na ng higaan na sinabayan pa ng paginom ng kape habang kumakain ng tinapay sa lamesa. Nanuod muna ako ng manuod ng video sa youtube at ayon hapunan na agad, kumain ako ng niluto ni mamang na adobong manok na medyo may sipa ng anghang mula sa dila. Pagtapos ay nagsiupload na ang mga vlogger na sinusubscribe ko sa youtube at agad ko namang pinanuod na ang mga ito, pagtapos ko manuod ay inaya ako ng pinsan ko na magML daw kami kasama ang girlfriend niya. Pumayag naman ako para na din medyo tumaas yung ranggo ko sa ML, alas-kwatro na kami natapos kakalaro na talaga namang intense dahil panalo talo panalo talo ang laban. Yun lang ngayong araw wala akong gaanong ginawa, pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 47 April 18, 2020
Ligid (Dalawamput-apat na Bara)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw na ito. Araw ng sabado kung sa normal na araw aba'y! talaga namang napakasaya nito dahil nga weekend na ulit, ang kaso dahil sumasailalim pa rin naman tayo sa ECQ o Enhance Community Quarantine ay araw-araw na weekend. Biro lang, ngayong araw ay nagising ako ng hapon na dahil na din nga sa nakasanayan ng puyat at pagcecellphone medyo alanganin nga lang dahil sa kalagitnaan ng meryenda o hapunan ang oras ng gising ko. Bali hindi ako sigurado kung magmemeryenda muna ako at saka ako maghahapunan o deretso hapunan na. Pero sa huli ay naghapunan na ako deretso para na din sa tipid na budget sa bahay. Sa pagmumuni-muni ko ay naisipan ko na gumawa ako ng isang challenge na kinahuhumalingan ng lahat lalo na ang mga nagrarap, ngayon pa namang ECQ ay mahirap talaga kapag nabuburyo kana. Kaya gumawa at sumulat na ako ng 24 Bars Challenge ang kaso nga lang hindi ito yung nakasanayan na galing kay Marks Beats, galing ito sa isang lokal Dj sa lugar namin na si DJ Aisen. Sobrang ganda kasi ng beat vibe niya para sa music taste ko, at maayos ko naman nagawa ang lahat dahil na din sa nakafocus ako noon para lamang sa isang kanta ay talagang maayos ko ito. Ang kaso nga lang napakaingay sa bahay, daldal dito daldal doon nakakabwisit kaya medyo natagalan akong matapos at maedit yung sarili kong kanta kasi nga diba ang general rules. Sulat, timing, edit, na nagawa ko naman kaso medyo ginabi na ko kase ang tagal nila tumahimik. Isa pa ginawa ko na din ang mga gawain namin sa major dahil ayoko na masyadong maitambak ang mga ito sa akin kasi nakakapagod gawim kapag ganun e. Nagcelebrate din pala kami nang kaarawan ng ate kong panganay kaso sa video call lang at nagpadeliver lang kami ng kaunting pagkain mula sa isang bukas na fast food resto sa grab food app. Hindi ko na din pala nairecord yung kanta kasi nga napakaingay nito at masyadong gulo ang isipan ko. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tao ng ating mga kamay at manatili na lamang sa ating mga bahay. THING!
Talaarawan 48 April 19, 2020
Tagurkad (Dormitoryo)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan at panibagong palabas na naman ang mapapanuod ko. Pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay alas-sais na ng hapon, maghahapunan na at wala man lang laman ang tiyan ko ng araw na iyon. Kaya naman hinintay ko na lamang maluto ang ihahaing ulam samin ni mama, habang hinihintay ko ay naisipan ko na namang manuod ng movie sa youtube yung mga movie na indie syempre para libre lang manuod. Pamagat? Dormitoryo. Nagtaka ka siguro kung bakit yun yung title ng talaarawan ko no? HAHAHAHA. Maganda ang pagkakagawa sa kanya, ang kwento ay mayroong isang dormitoryong pinauupahan at ang mga tao doon ay may kani-kaniyang mga sikreto. Kabilang na riyan ang isang studyante na nainlove sa kanyang kaborders, ngunit may kasintahan ito at lagi niya itong pinagpapantasyahan kada uuwi sa gabi at may maririnig na unggol mula sa iba't-ibang kwarto. Ang magkasintahan na parehong college student na natengga na sa kolehiyo dahil sa hindi maipasa ang mga subjects nila. Ang magkasintahan din na pulis at bading na mayroong utang sa mga tinakasan nila dahil sa nagoyo sila ng isang networking o pyramiding scam. Ang pinagpapantasyahan ng bida na talaga namang napakaganda at isang maranggal na babae ngunit nahulog sa isang gagong lalaki na ayaw ng magulang niya. Ang pinakahuli ay ang may-ari ng dormitoryo na hindi maiwan ang bahay na iyon dahil sa mga ala-alang naiwan nila ng kaniyang asawa kahit na nasa ibang bansa na ang kanilang mga anak. Ang kwento ay medyo may kahalayan dahil nga sa mga nilalaman nito at syempre isa itong indi film na talaga namang trademark ang mga malalaswang mga senario. Sa wakas ng kwento ay nadiskubre ng lalaki na niloloko na siya ng babaeng kasintahan niya at may nangyare na sa kanila nung bida dahil sa galit ay nagwala ito at nabulabog at buong dormitoryo, dahil na rin sa nabulabog ang pulis sa kabilang kwarto ay agad nga itong lumabas at nagpaputok ng baril. Sa huli ay maririnig mo na lamang ang pitong putok ng baril sa loob ng dormitoryo, hindi mo alam kung sino ang namatay at hindi mo malalaman kung ano ang kinahinatnan ng pangyayari. Medyo mahaba ang kwento o palabas na ito, kaya talagang sulit dahil gutom na ako ng maamoy ko ang nilulutong sinigang na hipon ni mama. Medyo sumobra nga ang sakit ng ulo ko noong araw na ito kaya't medyo hindi ako nakapaggawa ng gaano, naglaro lamang ako ng Mobile Legends sandali at natulog na din ng mahimbing. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas tayo lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 49 April 20, 2020
Damason (Ang mga basurang CONTENT)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong kaalaman na naman kaya ang inyong matutunan ngayong araw? Pwes, uumpisahan natin yan sa hapon man nagising ngunit medyo maaga pa din. Oo, tama kayo! Maaga ako nagising kesa sa nakasayan dahil bago mag alas-dose ay gising na ako sa hinihigaan ko at medyo masama ang pakiramdam ko. HAHAHA. Kaarawan pala ngayon ng tiyahin ko na medyo malayo ang lugar sa amin, isa pa ito yung tiyahin ko na talagang tinatambayan ko para lang sa mga makamundong bisyo. Dito ko nakakapaginom ng malaya at nakakapagpasaya ng sarili, nagpadala lamang ng handa ang aking tiyahin kasi nga kaarawan niya may motor naman ang pinsan ko kaya ayos lang naman na ihatid dito sa amin ang mga padalang pagkain. May kasarapan naman at medyo naubos din kahit papano kasi sobrang dami e, parang kaya magpakain ng baranggay sa limpak-limpak na sahog ng palabok at mga puto. Syempre nagtataka na naman kayo kung bakit ganyan titulo ng talaarawan ko? ngayong araw kasi napagusapan naming magkakapatid ang isang vlogger sa youtube na mayroon ng 100k subscribers. Alam nyo ba kontent niya? review ng mga kababaihang nagtutwerk at yung tiktok challenge na mah heart went opss. Basura? Oo, walang kwenta ang mga ganung kontent sa youtube. Ultimo nga yung tiktok challenge e, kasi yung mga babae magsasabi na wag bastusin tapos panay naman pakita ng katawan sa madla at lalo na yung invisible challenge? Na talagang papanuorin ng mga tigang. Aabot agad ng hundred million views yung isang epic fail na challenge tapos magtatanong kayo kung bat laganap rape sa bansa? Hmmm. May isa pang issue tungkol din sa mga content ng vlooger na talaga namang nakakaburyo na panuorin wala ng kwenta na pawang mga tanga na lamang ang manunuod. Yung prank challenge? TSK.! Basura talaga yung iba gumawa, tila mga tanga e, para lang sa pera at fame gagawin mo ang lahat ng kabobohan sa mundo. Wag nyo sabihing stonks to, dahil hindi naman ako kikita sa kakatype ko dito! Yung ibang vlogger sinasamantala naman na gagawa din ng review at feedback para naman may maicontent din. Ayos utakan! Ah basta yun lang napagusapan naming magkakapatid at wala na saming nanuod ng mga walang kwentang mga review, challenge at prank sa youtube dahil nga sa sobrang kacancer-an nito. Basta kung ako sa inyo iboboycot ko na lang din yung mga yan at hindi ko papanuodin kung may madaanan man auto dislike agad at next video na. Alam naman nating kailangan ngayon ng pera ng tao pero wag nyo sanang gawing mga mahihina yung utak ng mga manunuod ninyo lalo na't kung bata. Yun lang naman ang para sa akin, at opinyon ko iyon na ayon sa sariling utak ko lamang, wala akong pake kung ano ang sabihin mo gumawa ka din ng talaarawan mo. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 50 April 21, 2020
Dukotdukot (Guerrero)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayon araw at mayroon na naman tayong palabas na mapapanuod. Pagkagising na pagkagising ay agad na naman akong nagcellphone dahil nga medyo hapon na naman ako nagising ay hinintay ko na lamang ang hapunan namin para kumain. Agad pating nagnotif sa youtube ko ang mainit-init pang bagong labas na kopya nitong guerrero dos sa youtube. May nauna na akong naisulat tungkol dito sa movie na to at ito naman ngayon ang karugtong, ang kwento ay iikot lamang sa kapatid ng boksingero habang ito ay nasa ospital makakakilala siya ng mga taong magiging parte ng buhay niya, hindi lamang basta parte kundi meron itong espesyal na pagkakakilala sa pelikula. Medyo nakakadala ang Guerrero Dos dahil nga isang mosmos na bata lamang ang mamumulat sa mga bagay na hindi dapat niya kakalakihan. Dahil na din siguro sa pagkakaidolo niya sa kuya niya ay talagang hindi niya ito iniwan ngunit kinailangan dahil sa mga darating na trahedya. Ang pinakanatandaan ko lamang sa pelikula na siyang tumatak sa isip ko ang kahulugan ng salitang "Guerrero" na sa ingles ay "A surname of spanish origin, meaning "warrior". Sabay sasabihin pa ni Miguel na "Tayong mga Guerrero, mga mandirigma", na talagang nakakapukaw ng atensyon ko bilang isang manunuod. Madadala ka talaga sa mga pangyayari at mapapasabi ka na lamang na ang swerte ko na hindi ganito ang nangyari sa buhay ko. Panuorin nyo na sa yotube dahil libre naman ito at maganda naman ang kalidad, magiging kapana-panabik iyon dahil hindi ko pa naman naikwento. Balik tayo sa talaarawan ko, pagtapos ko manuod ay agad na akong kumain at naghugas ng pinagkainan. Sinubukan ko na din ang magrecord ng kanta ko o yung 24 Bars Aisen Challenge na naging maayos naman kaso nga lang nakailang take din ako dahil nabubulul pa akong sa sarili kong sulat at nakakalimot ng linya. Medyo naayos ko naman sa huli at hindi na ako kumuha pa ng video ng sarili ko habang nagrarap dahil nakakahiya, bali pagtapos noon ay naghimay na naman ako ng lyrics para naman sa susunod na kanta at gumawa ako ng hindi ko namalayan na umaga na pala. Umabot ako ng alas-sais ng umaga kakasulat, di ko namalayan dahil di naman ako humahawak ng selpon kapag gumagawa ng kanta pawang earphones, lapis at papel ang hawak ko. Yun lang ngayon araw. Bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa ating mga bahay. THING!
Talaarawan 51 April 22, 2020
Baylobaylo (Walang ganap)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman kaya ang makukuha natin ngayon? Di natin alam malay ko din sa araw ko. Pero para maging maayos naman at may integridad ang talaarawan na ito ay hindi pa ako natutulog, umaga na naman at napakarami pang iniisip ng utak ko. Ewan ko pero para maibsan ng unti ay sumulat muna ako ng kanta at tula inilabas ang mga saloobin ko sa mundo pati na din yung mga iniisip ko. Pagkatapos na pagkatapos ay agad naman akong nagluto na ng almusal para sa mga kapatid ko, wala lang naisipan ko lang kasi may saging na saba sa lamesa kaya ginawa ko ng maruya para naman maganda gising nung mga ate kong nagtatrabaho kahit nasa bahay. Sila din may dahilan kung bat hindi ako makagamit ng laptop para sa mga activity, sila kasi yung kumikita sa pamamagitan ng gadget samantalang ako e para sa school. Mas gugustuhin naming may makain kesa makipagaway sa paggamit ng laptop, tapos neto natulog na ko at nagising na ko mga bandang alas siete na ng gabi kaya naman kumain na agad ako ng hapunan tapos deretso na nagml kasi inaya na naman nila ko. Yun lang para sa araw na ito. Bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 52 April 23, 2020
Danghus (Mamita)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw? Di tayo sigurado. HAHAHAHA. Sa araw na ito, naging normal lang siguro ang lahat maliban lang dun sa napanuod kong vlog ni viy cortez. Pero syempre para simulan ng pormal, nagsimula ang araw ko sa pagising ng alas tres ng hapon. Pagkatapos na pagkatapos ko magkape at magtanghalian ay agad na akong naligo grabe kasing init e, at oo nga pala yung karne na tanghalian ko pucha napakakunat. Sarap kutusan bago kainin e, Biro lang. HAHAHAHA Pagtapos nga e umistambay na ko sa facebook kasi bawal pa manuod ng video dahil sa babagal ang internet namin. Gabi ko na pinanuod ang vlog ni viy na talaga namang napakaganda, kung minsan maganda talaga content ni viy e pero madalas imbento lang para may kitain sa youtube araw-araw. Pero yun nga ang naging challenge kasi nila ay makikipagpalit ng buhay si viy kay mamita na yaya nila, sobrang naappreciate ko yung mga paghihirap ni mamita. Imagine ilan yung tao dun sa bahay na kailangan mong pagsilbihan kahit na sabihin mong di naman pwede e hindi ka pwede umangal. Pero ang galing nga e, buong vlog puro kwarto lang naman nila viy yung inayos niya saka yung lababo. Solid na pahinga para kay mamita na sobrang deserve niya bilang isang dakilang kasambahay na iniibig ni mentos. HAHAHAHA. MAMENTOS FTW. Pwera biro, sobrang nakakamangha na nakapagpahinga si mamita tapos may instant bonus pa siya kay viy at cong. Panuorin niyo yung vlog, yun lang naman ata maayos na vlog e. Jokes on me. HAHAHAHA. Yun lang ngayong araw, pano? bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 53 April 24, 2020
Hingot-hingot (Lumang porma sa litrato)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw? Bilang pormal na pagsisimula, nagising ako ng alas tres ng hapon medyo maaga na din ako natulog napahaba lang tulog ko. Pagtapos ko nga magtangahali at magkape ay nakita ko yung ate na nagliligpit at inaayos yung mga gamit namin na nakatago sa karton saka sa drum sa bahay. Mga lumang gamit at litrato na talagang maibabalik ang mga dating pamumuhay noong wala pa ako sa mundong ito. Kabilang na dito yung titulo nitong talaarawan ko, habang naghahalungkat kasi kami ng mga litrato nakita ko na sobrang kamukha nung ate kong panganay yung anak niya noong bata. Sobrang lusog, di makita ang leeg at talaga namang napakaputi. Sabi nga ng nanay ko mabuti pa daw dati ay mayroong kamera sa bahay ngayon daw hindi na makabili ng kamera dahil sa kamahalan nito sa mga mall. Isa sa talagang ikinamangha ko noong makita ko ang mga litrato ng nanay ko at tatay ko noong mga magsing irog pa lang sila. Yung porma ngayon? na white shoes, white socks at istrayp na t shirt, aba nakita ko yung tatay ko na suot yung ganoong porma noong nagtatrabaho pa siya sa isang factory sa may quezon city. Sobrang angas nung mga ganung porma, isama mo na din yung nakatack-in na polo o t-shirt? Nako po halos lahat ng binyag at berthday sa bahay namin ganoon ang suot ng mga tao. Lalo na yung nakita ko din yung larawan ng nanay ko, yung uso ngayon sa babae na stripes na slux? nakikita ko yun sa nanay ko pati na din yung tack-in na tshirt na ibinabagay dun. Kuhang-kuha, palagay ko nga ay medyo late na nauso yun sa korea e, ginaya naman ng mga pinoy. Isa din sa mga napansin ko noong era 2000 na nagsimula yung mga maluluwag na pantalon at slux kasi noong binata saka dalaga pa mga nanay at tatay ko masisikip din mga gamit nilang pantalon o kaya naman straight cut ang tahi. Noong binyag ko nakita ko na yung mga napakaluluwag na pantalon at slux siguro dahil na din sa impluwensya ng kanluraning mga bansa na nakabase naman sa hiphop na porma. Napaka-angas kung makikita nyo, dati pa nga hindi pa nike kundi puma at adidas ang mga sapatos nila papa saka mama. Isabay mo na din ang long hair look na nauso din talaga noong mga nakaraang taon, pramis gayang-gaya. Pagtapos magligpit ay kumain na din kami ng hapunan, hindi na nagtaggal ay nag-aya na maglaro ang mga ate ko ng COD para naman malibang at mawala ang stress mula sa maghapong pagtatrabaho. Natulog na din ako agad kasi masyado akong napagod magbuhat ng mga karton at drum sa bahay. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas tayo lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 54 April 25, 2020
Ligid (Pasaway na tao x hindi mahigpit na pamamalakad)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayong araw? Wala naman siguro medyo may mga nakasanayan ako na ginawa ko ngayon, pero bilang pormal na pagsisimula nagising ako ng alas kwatro ng hapon at agad na akong naghilamos. Nagkape lang ako tapos deretso na ko inutusan na mamalengke ng ulam at ng iba pang mga gagamitin namin. Sa pamamalengke pa lang ay medyo may kaba na ako kase akala ko hahapan ako ng ID pero buti na lang at temp lang tinignan sakin dahil nakabike naman ako at sa labas lang ako ng palengke bibili. Ang lupet lang naman kasi sa grocery napakarami ng tao, yung pila? ayos naman pero yung tao sa loob ang dami na. Lalo na dun sa loob ng palengke minsan parang normal na araw na e, parang walang COVID na nakakalat sa baranggay namin. Madami nga palang positive samin, sa baranggay mismo namin kase mga malulupet mga tao e. Di mo naman sila masisi e ayaw nila maistorbo ang nakasanayan nilang buhay na tambay at inom. Oo nga pala dahil kasama ko ang bike ko ay talagang inikot ko na ang Magsaysay ave. Naikot ko para lang humanap ng convinient store at ham sa ibang palengke, hindi naman din masyadong kahigpitan ang mga pinapatupad samin. Wala tayong magagawa don kailangan lang talaga dapat maging ligtas na lang. Nakahigh cadence na din ang aking butihing bisikleta na parang gustong kumarera, pinatulin ko at pinaangas yung takbo tutal e wala namang sasakyan na nasa kalsada pero medyo meron meron na. Dun lang umikot ang araw ko saka may routine din ako araw-araw na paghatid ng tablet at cellphone ng opisina nila ate sa mga kanto namin dahil kailangan icheck ang mga reports nila. Bago matulog ay nagCOD muna kaming mga magkakapatid para din bonding at nakapagpatanggal ng stress ang mga ate ko. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na " Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas tayo lagi ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 55 April 26, 2020
Tagurkad (Normal Na ECQ)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Walang bago sa araw na ito, wala akong pinanuod na pelikula nakatungnganga lang ako sa labas banda sa may gate at syempre nagkape at dumaloy lang ang araw ko na parang normal lang na araw. Hapon na din ako nagising noong araw na ito at nagtanghalian pa ako bago maghapunan. Sa huli, naglaro lang ako ng Call of Duty noong gabi hanggang madaling araw para makatulog na. Pasensya na eto lang talaga araw ko, bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating mga bahay. THING!
Talaarawan 56 April 27, 2020
Damason (Lagim)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong kakolab na naman ang nakuha ko ngayon. Pamangkin ko pa rin naman kaso ibang kanta na, medyo may ayos na kasi tungkol na ang kanta sa mga kinatatakutan niyang mawala at yung mga hadlang sa pangarap niya. Ayos naman, gumawa ako ng chorus nung kanta tapos ako na din umawit para package. Bali, Oo nga pala hapon na ako nagising kasi medyo nasarapan ako sa paghiga sa sala. Medyo sumakit pa nga yung ulo ko pero ayos naman kasi nawala din noong naligo na ako. Pagtapos na pagtapos ko maligo rekta na kain at hugas ng plato, ano pa nga bang aasahan? HAHAHA Wala na kong ginawa sa bahay kundi ang maghugas at nanuod ng mga vlog, nga pala ngayong araw naisipan ko din panuorin o imarathon yung mga vlogs nila Pacquiao. Ayos naman, wala naman silang masyadong content kundi puro pamilya lang nila na magandang panuorin ng mga boomer at mga medyo bata pa. Tapos ayun, nanuod na ko ng mga vlogs sa team payaman at as usual wala naman ng bago dun hindi ba? Inaabot ako ng ilang oras kakapanuod sa mga yon, minsan nga inuumaga na. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 57 April 28, 2020
Dukotdukot (Dalawamput-apat na bara para kay Senoda)
WASSUP sa inyo mga katasyo!!!!!!! Panibagong araw na naman ang dadaan ngayon, panibagong karanasan na naman kaya? Malay natin. Pero bilang pormal na simulan, umaga na ngayon saktong alas-otso ko ito sinusulat wakla ng segundo minuto lang. Gumawa ako ngayong ng 24 bars 420 challenge ni Senoda, may premyo kasi kaya naenganyo akong magpasa. Pagkapasang-pagkapasa ko nga nanghina agad ako kasi ang gaganda noong mga nakita ko dun sa post niya, sobrang lit pa nung iba grabe. Tapos inaabangan ko ngayon yung taho kasi yun ang aalmusalan ko para naman medyo maangas, tapos pagkatapos noon ay matutulog na ko. Oo, hindi pa ko tulog kasi binabantayan ko lang ang sarili ko!! Biro lang. Nagising ako ng alas-siyete na ng gabi at maayos naman ang naging tulog ko. Kumain ako tapos naghugas sabay naglaro na ko ng Call of Duty at nung medyo paumaga na nanuod na ko ng Fliptop battle gusto ko lang kasing makakuha ng iba pang teknik at istilo sa pagbibikas kahit na yung lirisismo lang ang matutunan ko. Medyo maaga sa nakasanayan ang naging tulog ko, alas-dos pa lang ng madaling araw inantok na ko kaya natulog na ko. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 58 April 29, 2020
Baylobaylo (Bagong Buhay?)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan dito sa talaarawan na ito. Oo, bago! Dahil nagising ako ng maaga ngayong araw. Tama kayo ng nababasa, bago mag-alas-dose ng tanghali ay gising na ko yun nga lang ay medyo nasakit pa ulo ko. Pagtapos ko maghilamos ng mukha ay deretso na akong kumain at naghugas sabay tambay na. Dahilan ko? May ginawa kasi akong breathing exercise na nakakapagparelax daw sa tao kahit na uminom ka ng kape bago matulog. Effective naman ang kaso nga lang nakatulog ako mga bandang alas-kwatro ng hapon at kagigising ko lang ngayong alas-syete na ng gabi. Parang ganun lang din ang kinaibahan lang neto ay mapadami na ang oras ko ng tulog. Pero wala naman akong ginawa ngayong araw, sadyang maganda lang ang naging resulta kaya palagay ko ay bagong karanasan ito. Nag Call of Duty lang din ako buong magdamag at inabot pa ako ng alas-dos bago ako magdesisyong matulog. Ayos lang naman, Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaunting kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 59 April 30, 2020
Danghus (Hadlang)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Huling araw na ng buwan ngayong at alam naman na nating extended ang ECQ na magiging GCQ sa ibang panig ng bansa kaya't panibagong buwan at sana ay panibagong karanasan na naman ang maibahagi ko na sa inyo. Syempre medyo hapon na ko nagising ngayong araw, at pagkagising ko ay bumungad agad sakin ang napakainit na klima sa bansa natin. Naghilamos, Kumain tapos naghugas ng pinagkainan. Pumasok sa kwarto tapos narinig ko na may bagong labas na naman na beat si Pink kaya naman agad ko nang pinakinggan at nagandahan ako. Ano pa nga bang gagawin? Sulat na agad agad, naisip ko bakit hindi ko lagyan ng kwento yung ginagawa kong kanta? Bali ang lumabas na sa utak ay magsisimula ang kwento sa isang maliit na bahay sa isang magulong lugar tapos may nanay na isinilang mag-isa yung anak niya. Habang lumalaki yung bata ay namumulat siya sa sarili niyang kapaligiran, hanggang isang araw habang pauwi na yung bata sa bahay nila ay naabutan niyang nakahandusay sa sahig ang nanay niya at nakakalat ang mga gamit sa bahay. Nilooban sila ng isang buong grupo ng mga magnanakaw o akyat bahay, dahil nga mag-isa lamang siyang anak ay walang kasama lagi ang nanay niya sa bahay. Sa dulo ng kanta, marerealise nung bata na papano na siya mabubuhay kung ang tangi meron lamang siya ay ang mahal niyang ina? Dadalhin siya sa bahay ampunan at itatanong niya sa sarili niya kung ano ang ginawa niya bakit hindi niya maabot ang pangarap niya kasama ang kanyang mahal na mahal na ina. Medyo nahabaan ako sa kwento niyan kaya kailangan ng mahabang beat din ang kaso ay 3 minutes lang ang madalas na kanta na makikita mo o yung mga beat. Yaan na basta may sulat muna, Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 60 May 1, 2020
Hingot-hingot (Rebisa)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman kaya ang inyong matutunghayan at dahil nga kapapalit lamang ng buwan na talaga namang may kaunting ligaya dahil nalalapit na din ang pagtatapos nitong ECQ sa buong kamaynilaan ngunit hindi pa sigurado kung babalik pa ba sa normal ang lahat dahil nga mayroon ngang nauusong salita na "New Normal" para sa pang araw-araw nating buhay lalo na sa mga nagcocommute pagpasok sa trabaho man o paaralan. Oo nga pala, simulan na natin yung talaarawan ko. Syempre mukha bang may bago? Ewan ko pero eto nasa binggit na siguro ng kamatayan dahil puro puyat na ginagawa ko. Kagigising ko lang hapon na bandang alas-tres na din siguro, tapos kumain na din ako ng nilutong ulam ni mama at dumeretso na sa paghuhugas ng pinggan sa lababo medyo ginabi na din ako kaya't pagtapos ay agad kong napagdesisyunang baguhin yung kwento ko sa kanta ko kasi masyado atang mahaba tapos wala akong mahanap na salita na medyo tugma sa kwento. Mahirap hanapan ng ryhme kasi nga rap at may pagbabasehan beat na dapat maisunod sa bagsak ng bass. Inilipat ko yung topic ng kanta tungkol sa dati kong nililigawang babae noong senior high ako, grabe lang naman ang pagkahumaling ko doon sa babaeng iyon kaso nga lang hindi ako yung tipo at malabo pa siguro sa 300 na grado sa mata na maging kami dahil hindi ko kayang ibigay lahat ng luho niya. Hanggang sa nainis na ko kasi pagnaaalala ko talaga yung katangahan ko na iyon sa babaeng yon, ewan pero parang bobo talaga ko noon tapos ngayon wala na panget na sa paningin ko. Napagdesisyunan ko na talaga na maging tungkol na lang lahat sa pangarap ko at mga pangarap na gustong abutin noong nakikinig kaya't nakapagsulat na ako ng matiwasay. Natapos ko hanggang sa huling berso kaso nga lamang ay hindi ko na nairecord dahil nakatulog na ako sa pagsusulat. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating bahay. THING!
Talaarawan 61 May 2, 2020
Ligid (Tiwala sa sarili)
WASSUP sa inyo mga katasyo! Panibagong araw, panibagong karanasan na naman ang inyong matutunghayan ngayon araw. Malay natin, pero bilang pagsisimula ng pormal ay nagising ako ng bandang mga alas-kwatro na ng hapon. Pagtapos ko kumain ay agad akong naghugas ng pinggan at nanuod na ng livestream ng Mobile Legends sa T.V o yung torneyo sa kada bansa sa ML na kung tawagin ay MPL. Maganda ang naging laban mayroong tatlong magkalabang grupo na ang pinaka mabigat ay yung natalo ng nasa gitna ng standing yung nasa top seed sa liga. Maganda ang mga pinakitang play at maayos naman ang inilaro nila sa buong laban ngunit nga lang ay masyadong nakakatamad ang ginawa nila dahil nga sa bahay o boothcamp lamang sila naglalaro at hindi sa arena. Pagtapos naming manuod ng live sa TV ay agad naman ng naligo ako sabay higa na sa higaan ngunit hindi pa ako nakatulog at nagsulat na muna ako ng tula sa aking cellphonr, habang na babrowse na ako sa facebook ay may nakita akong movie clip na maganda tungkol ito sa isang tao na walang lakas ng loob at tiwala sa sarili niya. Ang movie ay ang "Big Stan" , medyo maganda naman siya at mapapanuod niyo na siya sa youtube kaso nga lang kung medyo sensitive kang tao e medyo hindi sugggested sayo to. Tungkol kas ito sa lalaking makukulong na sa loob ng anim na buwan tapos sa sobrang kaba niya ay sinubukan niyang magtanong kung ano ang gagawin sa kanya ng kapwa niya preso ang sabi lang noong dating nakulong na kausap niya ay marerape siya sa kulungan at sa sobrang takot nitong si big stan ay sinubukan niyang ipasok ang sarili sa isang klase ng taekwondo ang kaso nga lang ay napatalsik siya dahil ayaw niya sa mga simulang pagsasanay na pangbata, ngunit sa paglalakad niya pauwi nakasalubong siya ng isang malakas na nagtuturo din ng mga pangdepensa. Ang kinaibahan lamang ay lahat ng klase ay tinuturo niya, kaya naman agad siyang nagpaturo dito at nagpalakas at sa pagpasok niya sa kulungan doon siya makakahanap ng mga makakalaban niya. Pano panunoorin niyo ba? Pagtapos noon ay nakatulog na ako ng mahimbing. Pano bukas ulit? Patuloy ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng paglike sa aking facebook page na "Mga Tula". Muli, ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman, na nagpapaalalang maghuhugas lagi tayo ng ating mga kamay at manatili na lamang sa loob ng ating mga bahay. THING! MAG-INGAT LAGI!
No comments:
Post a Comment