Panawagan

Ipagpaumanhin ninyo ang hindi ko pagkakaroon ng Blog/Talaarawan minsan dahil may araw po na wala akong ginagawa kundi ang humawak lang ng gadget. Salamat sa pag unawa.
Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman! THING!

Patuloy po nating ingatan ang ating mga sarili. Magpatinggin sa mga Doktor upang makaiwas sa kumakalat ngayong sakit na COVID-19. Salamat mga katasyo, muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang nagpapaalalang mag-ingat kayo palagi at maghugas ng kamay dahil tayo ay normal na taong may kaalaman!THING!






12:22 ng Madaling araw, ika-17 ng Marso taong 2020
Sa Mahal naming mga Kababayan,
       Ako po si Ginoong Tasyo na nananawagan na sana ay magdasal tayo para sa ikabubuti ng ating bayan at ng mga taong patuloy na nagbabantay sa ating kaligtasan at sa kapahamakan. Ninanais ko po sanang hingin ang inyong mga panalangin para sa kanila at sa kanilang mga pamilya. Nawawala din po ang epidemyang ito kapag ang Diyos Ama na ang kumilos ngunit sana ay makipagkooperasyon po tayo sa mga hakbang na ginagawa ng ating gobyerno para sa ating kaligtasan. Huwag na po tayong maging utak munggo o talangka dahil lamang sa ating mga nakikita sa social media. SALAMAT PO SA PAGTANGKILIK SA AKING BLOG AT SANA AY PATNUBAYAN KAYO NG MAY KAPAL SA INYONG ARAW-ARAW NA BUHAY. Muli ako si Ginoong Tasyo ng bagong henerasyong kasalukuyan ang normal na taong may kaalaman. 

No comments:

Post a Comment